Sponsored Links

diskonek

Monday, August 1, 2011

Guys, marami silang di maitindihan sa aming mga Girls.

Di nila maitindihan na may hormonal imbalance kami pag mga 1-2 weeks before magkaron. SO may times na masungit, iritable at pikon kami. Eto rin yung times na gusto namin na palagi kami pinapansin.

Di nila maitindihan na mahilig talaga kami bumili ng kung ano-ano. Pero yung kung ano-ano na yun eh kelangan talaga namin - make-up, bags, shoes at damit.Eh sila, bumibili ng mga kung ano-ano ding toys at gadgets na di naman talaga kailangan sa pang-araw-araw na buhay.

Di nila maitindihan ang gusto na naming sabihin. Yung READ BETWEEN THE LINES, di talaga nila alam yun. They put meaning sa sinasabi namin na IBA naman sa gusto namin iparating.

Di nila maitindihan na sinasabi at pinapakita mo na nga sa kanila na MAHAL mo siya at DI ka nya kaya IWAN at SAKTAN. Eh, ikaw pa tong sasabihan na, “ayaw mo na ba sa akin?”

Yun lang naman. Peace and Love. Aja!

Posted by ryz at 11:39 pm | permalink | View this entry

bago lahat

Thursday, May 5, 2011

2011 na pala! tagal ko na naman napabayaan ang pagsusulat dito sa aking munting blog. :D

ano na nga bang meron?

5 buwan na ang nakakaraan ng magsimula akong muli sa panibagong mundo. ibang level ng trabaho. iba’t ibang ugali na naman ang pakikisamahan. ibang lugar. ano bang nagbago bukod dito?

madalas pa rin akong frustrated sa sarili ko - na lumalabas lang lahat sa tuwing malalango ako sa alak. yung huli, grabe nga yata ang hagulgol ko (at naghyper-ventilate na naman ako). ayoko na ng ganong feeling lalo na kinabukasan at may trabaho pa. pero nakakainis kasi, masarap naman yung feeling pag naiiyak ko sa tulong ng konting alkohol. gulo diba?!

ano pa? unti-unti ko ng naoovercome ang financial problem ko. nagkaron ako ng mga realization nung binasahan ako ng tarot card ng isa kong kasamahan. pero shempre minsan, napapagastos pa rin ng kaunti. pero di katulad noon, kaya ko ng i-manage ngayon at madali ko ng mabawi.

ano ano pa? dahil sa pressure na makapag-two-piece ako sa boracay trip namin sa June (HAHAHA). nagsimula nako mag-gym at mag-diet (kuno) nung March. pero feeling ko di na aabot ang ABS ko..flABS pa rin hanggang ngayon eh. :P

Sa ngayon - yan palang ang naiisip ko. Marami pa akong gustong sabihin pero sa next entry na lang. :)

Posted by ryz at 5:58 pm | permalink | View this entry

trip na trip!

Monday, September 13, 2010
 
 
after 2 years ay nakapag-adventure kami ulit! isang memorable experience ito! backpacker mode again…:)
 
Thank you bhe at sinamahan moko makapag-unwind! Alam kong kailangan mo rin ito. Good luck on your new career! I will support you all the way..:) 
Posted by ryz at 5:30 pm | permalink | comments[1]

semana

bago mag-long weekend - kung anik-anik ang nangyari at hinarap kong mga pagsubok. nakakadepress at nakakastress talaga!

kaya talagang kahit anong mangyari sabi ko mag-unwind ako. kailangan talaga eh. 

nung weekend - di ko naisip ang mga problema at ang mga masamang balitang aking natanggap.

iniyak ko ng lahat nung huwebes ng gabi at pagkatapos nun ay kinalimutan ko na.

sabi nga nung parlorista na nagcellophane ng buhok ko, “ma’am bakit nagfofalling hair ka? stressed ka ba?”

“Oo!” sabi ko naman sa kanya. “Sobra!”

Dahil dyan nadagdagan ang gastos ko sa dahil nag-offer siya ng Morphosis treatment para sa Falling Hair at Dandruff na ang primary cause daw ay STRESS! Habang minamasahe nya ang aking ulo, bigla nyang sinabi na, “Ma’am, wag mong problemahin ang problema - hayaan mong ang PROBLEMA ang mamoblema sayo!”

Meh ganon? Pero tama naman siya, talaga naman kasing nacoconsume nako ng aking trabaho at na-aapektuhan na ang health ko. di naman tama yun diba? 

THINK POSITIVE pa rin ako. SANA maging maayos ang lahat sa lalong madaling panahon. 

Posted by ryz at 4:40 pm | permalink | comments[1]

suicide

Friday, March 26, 2010

ang hirap….

Posted by ryz at 4:51 pm | permalink | comments[1]

anong nangyari?

Sunday, February 7, 2010

sorry di ko na-update tong blog ko since august. dami kasi nangyari nakakalungkot at parang rollercoaster na naman.

tito elmer & nanay ason’s death…=( halos magkasunod lang…

september, naglevel-up ako sa panibagong role at mas malaking responsibility. it’s time to move on na kasi.

gusto ko lang kasi magstart again, parang di maganda yung taon ng 2009. 

october pala, galing ako ng Bali, Indonesia para sa F5 ASEAN Summit. then eto ngayon february, galing naman ako ng Sanya, China para naman sa Bluecoat APAC Conference.

tinatamad lang ako ngayon..pero i will be back promise.

Posted by ryz at 8:24 pm | permalink | View this entry

batchoy

Wednesday, August 19, 2009

  

Hindi na talaga to maganda. Start to siguro this year mga January pa. Feeling ko talaga..tumataba nako. As in di ko macontrol ang taba ko. And these past two months, di maganda yung feeling ko. Parang nawawala na yung self-confidence ko. Dati i hate girls yung mashadong conscious sa hitsura at figure nila. Pero ngayon, parang nagiging ganun nako. Di naman super OC. Ayoko kasi ng ganun. Ayokong sabihin ng iba na ang arte ko naman. Pero nitong mga nakaraang buwan at linggo, unti-unting nawawala talaga ang self-confidence ko. 

Feeling ko sobrang stressed ako, yung mga damit ko halos di na magkasya.. laki ng mukha at may bilbil nako. Hindi na talaga maganda. Kasi diba dapat you will feel beautiful if you feel good inside, hindi na rin ganun ang feeling ko eh. Mashado ng naddrag ng frustration ko na maging slim ulet. 

Yung tamang slim lang. Ano bang gagawin ko? Di naman pede magdiet ng sobra kasi palagi ako nag-iisip. At pag nag-iisip ka, dapat may laman ang tyan mo diba. 

Di naman makapag-exercise, wala din time siguro….:( 

Ano ne?

Posted by ryz at 6:51 pm | permalink | comments[1]

bente-uno

Tuesday, August 18, 2009

 

8-17-2009

 

1 year and 9 months na kami ni bebe ko, rye! :)

 

kahit na mejo gipit kami, and akala ko di kami magcelebrate ng aming monthsary - nag-eat-out pa rin kami. :D

 

nagdinner kami sa Luk Yuen, Glorietta 5 - first time ni Rye dito, gusto nya daw kasi ng Chinese Food. We had roast duck, steamed veggies, steamed beancurd with shrimp, and ang walang kamatayang yang-chao fried rice! 

tamang dinner lang..and bonding! tinanong ko din kung nag-aaccept sila ng sodexho gift check (baka sakali eh makatipid kami), kaso ndi daw..:(.

 

 

 

 then nagcrave ako ng something sweet, sabi ko gusto ko ng icecream! try daw namin sa Häagen-Dazs kung nag-aacept din sila ng sodexho..hehe. kaso that time, hold daw yung gift check sa kanila. sayang..hehe. mahal kasi eh.. pero bumili pa rin kami ng 2 scoops (belgian chocolate & dulce de leche). heaven! :)

 

 simpleng celebration lang pero happy sobra! ^___^

Posted by ryz at 5:50 pm | permalink | View this entry

wishlist…pano na?

Monday, August 17, 2009

Agosto na diba? Tapos “ber” months na ulet… 4 months na lang new year na naman.. ang bilis talaga ng panahon. 

dami ko pang pictures na di napopost, thoughts and feelings na di ko na na-iblog. nablock na ang facebook sa office di ko pa rin napost ang ibang pics na gusto kong ipost. siguro mas feel ko magwork ngayon..hehe. 

dami nangyari…daming malulungkot na nangyari.. kaya siguro ayoko muna magblog. puro negative kasi eh…

gusto ko lang sabihin na.. bakit? bakit ganun kasi?

ang ganda naman nung first half ng taon. 

nanay is not feeling well, tito elmer is gone. :(  

so pano pa ako magwiwish? masama kaya na magwish naman ako para sa sarili ko? :(

parang di maganda, ipopost ko sana ang wishlist ko dito. pero binura ko na lang.. saka na lang..

Posted by ryz at 5:17 pm | permalink | View this entry

alay lakad

Tuesday, June 30, 2009

 

Nag-alarm ako ng 6am kanina para makapagstart na sa aking morning walk/jogging exercise. Gusto ko na talagang gawin to araw-araw. Pero mga 6:10 na ata ako bumangon at nag-ready para lumabas. Di kasi ako makatulog ng maayo kagabi, sobrang init. Kulang na ata ang isang electric fan para sa amin ni Ma’am Des. Kelangan ko na bumili ng sarili kong electric fan. 

Ayun so naisip ko na talaga ang route ko, nung gabi pa lang pinaplano ko na. Punta muna ako ng 7eleven, bili ng makakain tapos balik ako ng Pililia para kunin ang laundry ko. Pero nung malapit nako sa 7eleven, naisip ko mashado pa maaga para kumain, di pa ako gaanong pinagpapawisan. Kaya tumawid ako ng J.P Rizal, dun ako sa street ng mini palengke dumaan. Naisip ko na din magsurvey kung saan makakabili ng maliit na palanggana, para makapaglaba na ako ng maayos. Lakad pa ako hanggang INC then lumabas ulet ako ng J.P Rizal. Mga 6.20 pa lang nun kaya baka di pa bukas yung Bubbly Babies kaya sabi ko ikutin ko na lang yung area sa may Brgy. Valenzuela.  Habang naglalakad, dami din ako nakita na mga Bedspace for Ladies at Apartment For Rent. May mga Home Service pa ng Massage at Facial. :D mga 6.40 na malapit na ako lumiko ng Pililia, sabi ko sana bukas na yung laundry kasi wala na din ako susuotin. Hehehe. 

Bukas naman na sila, kaya lang di ko dala yung claiming receipt ko. Pero buti na lang ok lang daw. 1 week na rin yun sa kanila eh. 

Then lakad na ulet ako pabalik ng apartment. Kahit brisk walking lang ginawa ko pinagpawisan din ako ng madami. Nagpahinga lang ako saglit then naligo nako. Ang sarap ng feeling….wow! :)

Sana di ako tamarin, gusto ko gawin to ng mas madalas!

 

Posted by ryz at 8:36 am | permalink | View this entry

"stress" bow!

Saturday, June 20, 2009

Miyerkules - Posh Nails - Citrus Foot Spa + Manicure/Pedicure, French Tip sa Kamay at Super Hot Pink sa Paa…Hehehe. *sobrang pampered ka dito sa Posh Nails, sariling couch, may foot rest, daming pillows, maasikaso sila talaga. malinis gumawa at di madali mag-chip yung nail polish. =)

Huwebes - Salon 28 - Hairk Mask + Hair Cut + Eye Brow Trim. Second time ko na dito sa Salon na to, so far okay pa naman ang serbisyo nila sakin. Nafeel ko lang maggupit at magpatreatment kasi pag sobrang haba na ng buhok ko sumasama talaga pakiramdam ko. parang ang bigat ng feeling.

Sabado - Laxarre Nail & Day Spa - Pang-nth time na namin dito. Dati footspa+manicure/pedicure lang kami. Pero yung last 2 visits namin dito, Package 8 na kami yung Swedish/Shiatsu Massage + Skin Nourishing Facial. Unlimited ata ang iced tea at hot tea dito. alok sila ng alok eh. =) May VIP card na rin kami parang may points tapos pagnacomplete mo may libre na Foot Spa, Facial or Body Massage. 

Hayyy. Nakakastress kasi tong mga nakaraang buwan. Kelangan talaga once in a while ay ipapamper mo naman ang sarili mo. Kumikita naman tayo eh… okay din yung paminsan-minsan eh ireward ang sarili. 

Ready! Set! Go go go na ang Bohol Trip with Rye’s family…sa july 12-14! Nakakamiss din ang bakasyon eh. Sana matuloy din yung Palawan trip. 

Posted by ryz at 10:59 pm | permalink | View this entry

namiss ko to

Friday, June 5, 2009

naku isang buwan na naman akong walang post sa blog ko. =( ayoko namang iwan to. 

yung photoblog ko, yung project 365. di ko din ma-update. naging busy kasi talaga sa work. 

  

kung makikita nyo yung desk calendar ko, mejo madami akong activities nung april at may. may mga bagong POC, bagong product, meetings, may training, at kung ano-ano pa.

at ngayong June, kanina lang napansin ko na for next week, may naisulat na din akong schedule. 

medyo busy din sa facebook..hehehe. nakalimutan ko na nga mag-update ng multiply ko eh para sa mga pictures, lalo na yung sa caramoan adventure. wala pa akong post dun sa multiply. 

naaliw lang ako ngayon sa mga games/apps ng facebook. pampalipas oras talaga - mafia wars, barn buddy, happy farm at farm town, yung restaurant city at pet society di na siya mashadong priority. pero as usual pag tinamad na naman ako, mapapabayaan ko din yung iba. Hehehe. 

nakakatamad din ang panahon ngayon, maulan. nakakatamad lumabas. 

nahihirapan din ako kumain kasi may singaw na naman ako. ganito lagi pag malapit nako magkaron, singaw at pimples galore! :(

palagi tuloy ako sinisikmura, lagi nalilipasan ng gutom…

sa work, mejo nabuburn-out nako. sobrang dami na kasing products na kelangan pag-aralan. akala nga nila, pa-easy-easy lang kami.

ayun lang..sa ngayon. gusto ko lang makapag-unwind, matulog ng matagal at bumalik ulit ang appetite ko.

Posted by ryz at 10:43 am | permalink | View this entry

Mainit ang Ulo ni Ma’am!

Thursday, April 30, 2009

Kahapon (Miyerkules), nung bibili ako ng bagel with cream cheese sa CountryStyle..napansin ko yung wheat bread nila dun sa ibabaw ng counter. Ginagamit nila yun sa mga sandwiches nila. Nagtanong ako kung nagbebenta ba sila ng isang loaf.

Sabi ni Rose (aka the Manager who-knows-it-all), oo daw. Pwede naman daw silang mag-order ng extra para sakin. 61 pesos daw. Sabi ko OKay. OKay lang kasi ngayon pa naman yung sweldo at wala naman na akong pera kahapon. Sabi ko sige bukas na lang. 

Sinabi ko pa sa kanya bago ako umalis na, “Tandaan mo ha..”

Sabi nya, “Opo Ma’am”

So kampante naman ako na ngayong araw na to eh makakabili ako nung wheat bread nila. Kasi balak kong bumili na lang ng palaman, para makatipid pag breakfast or lunch.

Di ako nakadaan nung umaga kanina kasi late na ako at dami ko na ginagawa. So ngayong hapon, after ko pumasa dun sa exam. Sabi ko daan nga ako sa countrystyle, treat ko naman sarili ko. Saka para makuha ko na din ung wheat bread, baka sabihin nila kasi nag-order-order ako tapos di ko sisiputin.

Kahapon din kasi, nagparinig yung impaktang manager na yun na MERON DAW silang isang customer na umorder din dati ng doughnuts tapos di naman binalikan.

So eto nga, pumunta ako dun ngayon, bago ako magwithdraw. At nung tinanong ko yung nasa counter, sinabi sakin na wala naman daw inendorse sa kanila. SO BADTRIP NAKO DIBA!

Umalis ako at nagwithdraw muna. Pagkabalik ko bumili na rin ako ng walnut chocolate ruler, gutom na ako eh. Yayain ko sana si ryan, mukhang busy siya, kaya ok lang. magkakape na lang ako sana.

Mejo nagtaray na ako dun sa countrystyle habang kinukwento ko sa kanila yung sinabi sakin ng manager nila. Tapos nung pasakay na ko ng elevator, medyo narinig ko, parang may nagsabi ng, “Mainit ata ulo ni Ma’am…”

Posted by ryz at 3:54 pm | permalink | View this entry

kape-rahan

Wednesday, April 29, 2009

bukas sweldo na ulit. at pagkawithdraw ko nun, mapupunta na naman sila kanya-kanyang envelope. para sa savings, paluwagan, sa lupa, at iba pang babayarin. ngayon pa lang, nagcompute ako ulit kasi may mga nadagdag sa babayaran. =(

  

sa aking kompyutasyon, sa dadating na sweldo bukas at sa susunod, sobrang laking pera ang kelangan kong ilabas. at kung papalarin, sa katapusan pa ng May ako makakahinga ng maluwag. Sana din, dumating na ang komisyon ngayong Mayo.

medyo mahirap talaga ngayon. di naman namin magawa yung mga napapag-usapan na paghihigpit kasi ewan ko. wala pa kaming disiplina. T_T

medyo kaya pa naman, buti na lang talaga nagkaron ako ng increase nung january. pero todo bawas sa mga ibang bagay like:

  • di ko magawa magpapedicure/manicure
  • magpamasahe
  • mamilli ng toiletries (meron pa naman kaya baka sa end of May na lang)
  • mamili ng groceries (pambaon or snacks sa office)
  • makabili ng office clothes (kelangan ko na talaga ng pants at blouses)

mga konting sakripisyo…para sa future! aja reese!

Posted by ryz at 11:28 am | permalink | View this entry

di na maganda to - PASSPORT CLAIMING HASSLE SOBRA!

Monday, April 20, 2009

Actually, di na maganda to! Nagpost ako before about the steps on how to process your passport renewal. Yeah.. madali lang talaga ang process ng pag-renew. Eto pala ang bulok at mahirap.. ang pag-claim!!!!!!

 

http://dfa.gov.ph/?p=4307  -> 

DFA Announces Temporary Delay in Some Passport Releases

 Rye processed the renewal of his passport last April 1, 2009. He opt for the express processing which is 750 pesos (7 days processing)  because we are hoping to get it immediately to process some documents we need. He was advised that he will be getting it by April 15 because the following week has only 2 work days (fine). Then comes April 15 (Wednesday), he went to DFA only to find out that they cannot release yet his passport because of some TECHNICAL difficulties. Many people from very far places are waiting since April 13(Monday) for their passports to be release on that week. At the gate 2 of DFA, they were give a piece of paper (signed by some officer of DFA who’s name is not even printed on that paper) telling them that their passport will be release on the 17th. We went their again on the 18th(Saturday) but they are already closed (half day schedule only during Saturdays). Posted on the walls outside gate 2 is another notice that the passports that should have been released that week will be re-scheduled again for the another date which is April 21 (Tuesday). Again… the reason is Technical Difficulties.

Rye went to DFA, the day after his scheduled release that is supposed to be on the 17th because he wanted to make sure that he will be able to get his passport. And not WASTE any more MONEY & TIME. Unfortunately, he still won’t be able to get his passport until when? We don’t know. We don’t trust the notice on the wall, we don’t trust the public announcement on their website. We can’t even call their hotline.

On that piece of crap (i mean, paper) that they gave, is a DFA Hotline for the passport claiming. 8344000 local 4270. Try calling this number and the operator will just tell you over and over again that the LINE IS BUSY.

 

So how can we know that the passport is ready for pick-up already? Do we still need to go to DFA every now and then….JUST TO CHECK it!

This only shows how CRAPPY our system and processes are. GAAAAAHHHHD..i’m pissed.

Posted by ryz at 11:14 am | permalink | comments[1]

nawawala si eeyore ko!

Tuesday, April 7, 2009

10″x12″ head shape eeyore pillow

 (photo from dakkipillow.com)
 
 hay matagal-tagal na din. sa sobrang tagal nitong nawawala sa upuan ko, nakalimutan ko ng hanapin. nung una, upuan lang ang malimit mawala dito. pag walang jacket na nakasabit, asahan mo na, kinabukasan wala na ang upuan mo.
 
nabadtrip ako nung isang araw nun kasi pagdating ko, wala pati yung eeyore na pillow ko. =( unang na ngang nawala si Po (happy meal toy sa mcdo from the Kung Fu Panda movie). may nakapagsabi sakin kung sino (o kaninong anak yung nakadampot) pero nahihiya naman akong usisain, eh pano kung mali yung tip sakin. nakakahiya naman diba.
 
hay, parang late last year pa ata nawawala tong pillow ko na to eh.  =(
 
ngayon lang (april 7, 2009), mga bandang ala-tres ng hapon, habang naglalakad ako papuntang pantry. may napansin ako sa isang cubicle na sobrang malayo sa area ko dati. nakita ko yung eksaktong-eksaktong EEYORE pillow na nawawala sakin. hay, kaya lang.. nahihiya naman akong tanungin yung nakaupo dun. di naman kasi kami close. saka pano kung sa kanya talaga yun..
 
pero ewan ko lang. may lukso talaga ng dugo nung makita yung pillow. feeling ko yun ang nawawala kong eeyore pillow….=(
Posted by ryz at 3:45 pm | permalink | View this entry

ooopportunities

Friday, April 3, 2009

lahat gusto ay maging successful. lahat gusto yumaman. lahat gusto ng career growth.

pano kung merong mga opportunities diyan? go ka ba? go ba ako? eh ang tanong, ready na ba ako?

yung isa gusto ko talaga, kasi yun ang tingin kong right track para sa work ko ngayon. pero hindi naman ako sinusuportohan ng ibang tao. feeling kaya nila di ko kaya? o may iba silang  gusto para sa position na yun?

yung isa gusto ko din, mas malaki ang kita dun eh. lalo na ngayon, kelangan ko talaga ng mas malaking income.

kelan ba ang tamang pagkakataon para sa isang career move? nagtry na ako mag-attempt nito last year. pero di naman din natuloy. di rin ako sinuportahan eh. 

meron din sumunod dun pero di ko naman pinagpatuloy kasi mashadong malayo pero sa totoo lang, mas yayaman talaga ako dun.

gusto ko lang talaga ng growth… habang ganito bata pa ako. mabilis na kasi ang panahon eh. ayokong forever na ganito lang, gusto ko din ng ibang challenge. di pa kasi ako nahahasang mabuti eh. sabog-sabog lahat. walang focus. 

gusto ko din yumaman. di man agad, pero paunti-unti. pero gusto ko sa lalong madaling panahon.

Posted by ryz at 2:23 pm | permalink | View this entry

mainit na mani ni manong

minsan, yung mga simpleng hirit, simpleng tao at mga simpleng pagkakataon ang nakakapagbigay ng kaligayahan sa atin. 

kung ikaw ay madalas sumakay sa mga bus sa Ayala MRT station, malamang ay nabibwisit ka na at naiirita sa ingay ng mga busina ng mga bus (minsan pa eto ang maririnig mo “FIRE! FIRE! FIRE! CHUG CHUG CHUG!!!!”, paulit-ulit yan hehe). o kaya naman, mahihilo ka sa init lalo na pag-rush hour na. mahihimatay ka din sa baho ng mga pader, dahil sa amoy ng ihi at sari-saring amoy na di mo alam kung saan nanggagaling. nag-aantay ka pa lang nyan ha…

pagpasok mo naman sa bus, minsan nakakairita din yung mga nagtitinda sa loob (alam kong naghahanap-buhay lang sila pero minsan may mga kalokohan din kasi eh). may isang nagtitinda ng dyaryo nun, isipin mo sobrang late na at pilit nyang pinapabasa sayo ang isang tabloid na dyaryong dala nya pagkatapos ay sisingilin ka nya. pipilitin ka talaga. kung di ka aware, eh mapapabili ka talaga. kainis diba.

NGUNIT AT DATAPWAT may mga ganitong eksena sa loob at labas ng bus, meron namang natatanging Tindero ng Mani ang namumukod tangi talaga. Ilang beses ko pa lang siya nakikita sa bus pero naikekwento na rin sakin ni Rye si Manong dahil mas madalas nya yun nun nakikita pag siya ay pauwi na. 

Pagkaunti lang ang pasahero, dun lang siya umaakyat sa bus. Di katulad ng iba eh halos makikipagsisikan din sa mga pasahero. 

Nakakatuwa at nakakatawa kasi ang mga dialogue nya sa pagtitinda. 

“Mani..mani.. mainit yan ho..iwas lang po ang mga kamay.. sobrang init nito.”

“Mani..mani..mani..wala pong betsin to, kaunting iodized salt lang po. ang iodized salt po ay mainam sa mga goiter at iba pang sakit… Mani..mani po..mainit to. iwas lang po ang mga braso nyo…”

“Mani po…ano pong gusto nyo? mas madaming bawang o mas madaming mani? yung iba po kasi mas gusto ang mas madami ang bawang.. Alam nyo po ba, mainam po ang bawang sa mga sakit lalo na sa mga senior diyan..”

“Mani..mani po..magkano po mam? Sampu o Bente?? Mabuti po ang mga mani sa mga bata pampatalino, pag-Bente po mas madaming medals, pag-Sampu..kaunti lang…”

 

Hehe..napa-ISMAYL talaga ako diyan. Napahagikgik din ako. Medyo napalakas nga eh..nagtinginan ang mga tao. =p Pero natawa din sila dahil bentang-benta talaga si Manong. Bentang-benta din ang tinda nyang mani, madami kayang bumili.

Kulit diba? Potensyalin si Manong maging komidyante. Potensalyin din na Salesman.=)

Posted by ryz at 9:47 am | permalink | View this entry

Philippine Passport Renewal Step by Step Guide and Tips

Thursday, April 2, 2009

Ito ay base sa naging karanasan ni Ryan sa pag-asikaso nya ng kanyang passport kahapon.

Lugar: Department of Foreign Affairs, Libertad, Pasay (malapit sa Cuneta Astrodome)

Babala: Mag-ingat sa mga “FIXERS” o mga taong nanghaharang sa labas ng DFA. sa magkabilang kanto ng libertad ay mga naka-abang ng mga FIXERS. Karamihan sa kanila ay naka-polo pa at ID. Pero wag magpaloko sa mga yun dahil dadalin ka lang nila sa ibang gate or ibang lugar para pikyturan at bigyan ng APPLICATION FORM (na kelangan mo daw bayaran NGUNIT ito ay LIBRE NAMAN SA LOOB AT pedeng idownload sa website ng DFA).

NAIIINIS AKO: Dahil hindi ako pinapasok sa loob at wala naman daw akong “business”  dun, nagdrama pa ako sa mga guard pero di umepekto. Lalo na dun sa epal na lady guard. Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho ngunit nakakainis dahil di naman lahat eh SINISITA nila.Kaya sa sama ng loob ko, naglakad-lakad na lang ako sa may HK Sun Plaza at nagpa-manicure/pedicure! Hehehe! =p

ETO NA PO ANG GUIDE PARA SA AKING MGA KABABAYANG PILIPINO:

  1. Ayun nga sa aking babala (pakibasa po ulit ang nasa itaas). Iwasan ang mga FIXERS. Wag makipag EYE to EYE contact sa kanila. Diretso ka lang sa GATE 2. Wag ka ng magtanong-tanong pa sa ibang tao maliban sa mga UNIPORMADONG GUARD na nasa may Gate. Nakalagay naman dun na dun ang Entrance. AT DUN ka lang pumasok. Ichecheck nila ang bag mo (buksan mo na habang nasa pila ka pa, dahil medyo maiirita sayo ang mga guard lalo na yung babae). Ilabas mo na din ang mga dalang mong REQUIREMENTS para wala ng tanong-tanong.
  2. Para sa RENEWAL at NEW APPLICATION, dumiretso sa Basketball Court.  Bago pumila, siguraduhin na kumpleto ang iyong requirements. Kumuha muna ng application form sa guard o di kaya mas magandang nadownload mo na to at na-sulatan  bago ka pa pumunta para di na hassle. I-paste ang isang Passport ID picture sa form na iyon. At ang natitirang 2 ay ilagay sa isang maliit na plastic at i-Stapler sa form. May area dun para malagyan mo ng thumbmark ang iyong form. Pagkatapos ay pumila ka na for initial verification ng iyong Application Form.
  3. Pagkatapos nun ay pupunta ka sa Gate 3, para i-verify naman ang iyong mga dalang document or requirements pati ang iyong records sa nasabing passport.
  4. Pagkatapos ma-verify ang iyong mga requirements at form ay dumiretso ka na sa bakanteng counter. Sa counte na ito ay hihingin ang iyong OLD passport, at photocopy ng pages 1 and 2, at back pages (siguraduhin na may photocopy ka na ng mga ito bago ka pa pumunta para maiwasan ang delays). Tatanungin ka dun at papipliin kung 750 pesos (para sa 7 days na process) or 500 pesos (para sa 15 days na process). Dito ay bibigyan ka ng resibo at papuntahin ka ng auditorium.
  5. Sa auditorium, pumila at magbayad sa cashier (dito mo ibibigay ang resibo kung saan nakalagay ang napili mong processing fee).
  6. Pumila ulit sa loob ng auditorium, dito ay i-veverify ang iyong mga details. Ito ang pinaka-importanteng step dahil kailangan mong siguraduhin na TAMA lahat ng nakasulat sa iyong form. Ito na kasi ang i-eencode nila sa iyong record at NEW passport.
  7. Kapag OK na lahat ng details mo. Papipirmahin ka na at bibigyan ka ng Schedule kung kailang maaaring ma-pick up ang iyong NEW passport. (Itago ang iyong claiming receipt).

Mabilis lang naman ang process ng pag-RENEW or pag-APPLY ng passport.  Lalo na kung alam mo ang mga tamang steps at kumpleto lahat ng iyong requirements pagpunta mo ng DFA.  May kahabaan lang ng pila sa ibang mga steps pero sa kabubuuan, mabilis lang naman. Lalo na at walang mga pasaway.

At muli, mag-ingat at umiwas sa mga fixers! =)

LINKS:

Passport Renewal & NEW Application REQUIREMENTS & DETAILS from DFA website HERE.

Passport Renewal & NEW Application FORM from DFA website HERE.

Side Entrance (Gate 2) of DFA, Libertad, Pasay City from wikimapia HERE.

Posted by ryz at 9:06 am | permalink | comments[28]

sa bandang timog

Tuesday, March 31, 2009

 BLK. 47, LOT 18
 
Mixed Emotions talaga - EXCITED, PROUD, MASAYA, WORRIED, PRESSURED, AT KUNG ANO-ANO PA. Pero shempre, mas malaking part yung Happy at Proud dahil isang big investment at big step to para sa amin. Di kaya biro ang mag-invest ng ganito. Sa part namin, madami talagang sacrifices. Less gastos, less eat-out, less gala! 
 
Medyo malaki kasi ang kelangan namin ilaan para sa investment na to. Pero ang maganda dun, in 30 months (2 1/2 years) lang, sa amin na yun at panibagong pag-iipunan na ulit - bahay naman.. tapos car.. hehe. tapos kelan kaya dun yung kasal? =D
 
One step at a time lang.. pero happy talaga ako at nakapagsimula na kami habang bata pa. =)
Posted by ryz at 3:52 pm | permalink | View this entry