Home » Archives » March 2008
sayaw, saya!
Tuesday, March 25, 2008nung holy week, movie marathon ang ginawa ko. di naman kasi makaalis sa bahay. wala din pupuntahan. saka tipid mode. isa sa mga pinanood ko yung step up 2, la lang. trip ko yung mga ganong movie na may mga sayawan, showdown, hiphop - namiss ko tuloy sumayaw.
nung elementary days and high school days ko kasi active ako sa mga ganong activities eh. kahit na anong klaseng sayaw ata natry ko na nun. ballroom, folk dance, ballet, hiphop, di ko lang kaya mag breakdance. kaya pag nakakapanood ako ng mga ganong movies like yung step 1 and 2, stomp the yard, you got serve, saka honey - waaah.. namimiss ko talaga sumayaw! kaya lang parang di ganon kaflexible yung katawan ko. parang off-beat na rin yung galaw ko. gusto ko talagang makapagpractice ulet.
sana talaga matapos na
minsan talaga parang gusto ko na sumuko sa ginagawa ko. parang kasing minsan talagang pinupush ko na yung sarili ko pero kulang pa rin. although, gusto ko naman yung ginagawa ko ngayon kasi talagang may natutunan ako. hindi puro theories lang, talagang actual yung naeexperience ko.
pero minsan kasi, parang feeling ko sakin lahat nakafocus eh. hindi ko lam kung anong naging kulang sa mga ginawa ko or baka kasi may hindi ako nagawa nung una pa lang. nung simula pa lang. hindi ko naman kasi alam na, mapapasubo talaga ako sa ganito. ang hirap. pero gusto ko din may patunayan sa kanila. lagpas isang taon na kami dito, pero wala pa rin gaanong benta.
ilocos at baguio
Monday, March 24, 2008Na-excite ako nung tinext sakin ni Tina na baka sa Ilocos daw ang outing ng group namin. Kaya nga nung nakaraang bakasyon, nagbasa-basa nako ng mga travel tips, sana puntahan din namin yung mga tourist spots na nabasa ko. Ang galing! Sayang nga lang kasi company outing to, di pede magsama ng boyfriend or family member. Kung pede lang, isasama ko si Rye o kaya Tatay ko. =) Pagudpud, todo na to!
Nabanggit din ng tatay ko na baka daw magpunta kaming Baguio, sana matuloy din yun. kahit 2 days lang.
Sana matuloy yung mga lakad ko this year, kahit dito-dito muna sa malapit, ok na ko. Tapos next time naman yung big adventure, ipon muna.
panaginip lang pala
Tuesday, March 18, 2008Kagabi, siguro sa sobrang pagod from the Tagaytay trip nung weekend at dahil sa eto na naman ang mga panahon na madali akong mairita. Nasungitan ko na naman ata ng di sinasadya si Rye. Ewan ko ba kasi bigla talaga akong nairita eh, ang kulit kasi ng pinsan ko. Ang init pa. Antok na antok pa ako.
Naramdaman ko tuloy nung paalis na siya mukhang masama yung loob nya at nakasimangot. Kilala ko na yung baby ko pag ganon ang hitsura nya, ibig sabihin may problema - ayaw nya lang sabihin. Pero sa totoo lang, damang-dama ko yun. Lalo na kasi alam kong ako ang may kasalanan. Sobrang nag-guilty tuloy ako. Ano naman ba ang nagawa ko? Bakit ko ba kasi siya nasungitan? Pero dedma lang nung pag-alis nya kahit nag kiss siya sakin bago sumakay ng tricycle.
Summer
Monday, March 17, 2008tagalog nga eh! ano ba sa tagalog ang summer?
Eto, Summer na naman. Panahon ng mga outing at mga gimik kung saan-saang lupalop ng mundo. Ako eto, nangangarap makarating sa mga lugar na gusto kong mapuntahan kasama ang taong mahal ko.
Pangarap ko na talaga yun dati pa, yung makapag-travel at gusto ko kasama yung taong espesyal sa akin. Gusto kong sabay namin marating ang mga magagandang lugar dito sa Pilipinas. Ma-experience ang iba’t ibang culture sa iba’t ibang bansa. Pero ang problema sa ngayon, wala pa akong sapat na pera para gawin ang mga yan. Sabi nga sakin ni Ryan at ng Tatay ko - Di ko naman kelangan makipag-sabayan sa mga kaibigan o sa mga kasamahan ko dito.
bakit ka gumawa ng bagong blog?
Ewan. Hahaha! Gusto ko naman i-express yung sarili ko sa mas comfortable na paraan. Kasi narealize ko hirap na hirap pa rin ako makapagcompose ng matinong blog in ENGLISH. Kahit na anong try ko, isang taon na rin ata yung isang blog ko. Parang wala pa ring improvement. Madami pa rin na grammatical errors at ang panget pa rin ng sentence construction ko.
Kaya minsan tinatamad din akong mag-update eh, kasi naiisip ko agad. Englishan na nman to. Nakakadismaya at nakakalungkot talaga. Lalo na pag may mga nababasa akong matitinong blog. Bakit ganon? Pag binabasa ko yung sa kanila, tapos pag pinag-comparte ko yung sa akin - ang layo… sobra!



