Home » Post Item » bakit ka gumawa ng bagong blog?
bakit ka gumawa ng bagong blog?
Monday, March 17, 2008Ewan. Hahaha! Gusto ko naman i-express yung sarili ko sa mas comfortable na paraan. Kasi narealize ko hirap na hirap pa rin ako makapagcompose ng matinong blog in ENGLISH. Kahit na anong try ko, isang taon na rin ata yung isang blog ko. Parang wala pa ring improvement. Madami pa rin na grammatical errors at ang panget pa rin ng sentence construction ko.
Kaya minsan tinatamad din akong mag-update eh, kasi naiisip ko agad. Englishan na nman to. Nakakadismaya at nakakalungkot talaga. Lalo na pag may mga nababasa akong matitinong blog. Bakit ganon? Pag binabasa ko yung sa kanila, tapos pag pinag-comparte ko yung sa akin - ang layo… sobra!
Tama nga ang Tatay ko, nagkulang talaga ako sa pagbabasa noong bata pa ako. Palagi nyang sinasabi sa amin na magbasa daw kami ng mga broadsheet newspapers kasi matino ang english dun. Matututo daw kami kung pano magcontruct ng sentence at matututo ka pa ng mga malalim na mga words. Bakit ba kasi di ko nahiligan magbasa ng dyaryo nun?
Di kasi ako masyadong intersado sa pulitka. Kadalasan, Enternatainment, Lifestyle or Travel Guide yung mga binabasa kong section. Pero malimit lang yung basahin ko talaga yung buong article. Minsan pictures lang ang tinitingnan ko.
Yung na-hook talaga ako eh dun sa mga article ni Celine Lopez, Lucy Torres-Gomez or kay Jim Paredes. Pero di pa rin ako regular na nakakapagbasa nga mga yun. Pag gusto ko lang yun topic.
Nung high school at college, teen magazines at pocketbooks nman ang binabasa ko. Pero di yung mga tipong James Patterson o Stephen King na mga libro. Ang hirap kasi intindihin eh. Pero pinipilit ko pa rin magbasa ng mga ganon kasi parang genius ka pag alam mo yung mga ganong klase ng libro. Kasi naman di uso yun nung nasa elementary pa ako. Siguro kasi dahil sa public school yun at wala namang muwang yung mga tao sa mga ganong klase ng mga babasahin. Eh pagpasok ko nung highschool, iba ang social status ng mga tao dun. Feeling ko tuloy outcast ako kung di ako makikisabay sa kanila.
Kaya, eto hirap na hirap talaga ako pagdating sa English - writing man at lalo na pag conversation na. Hirap makisabay.




Hi you are good! I’m a poet too, though not as good as you. You have such a great potential. Keep it up! Busby Seo Challenge
Posted by luke at July 26, 2008, 10:29 pm