Home » Post Item » panaginip lang pala
panaginip lang pala
Tuesday, March 18, 2008Kagabi, siguro sa sobrang pagod from the Tagaytay trip nung weekend at dahil sa eto na naman ang mga panahon na madali akong mairita. Nasungitan ko na naman ata ng di sinasadya si Rye. Ewan ko ba kasi bigla talaga akong nairita eh, ang kulit kasi ng pinsan ko. Ang init pa. Antok na antok pa ako.
Naramdaman ko tuloy nung paalis na siya mukhang masama yung loob nya at nakasimangot. Kilala ko na yung baby ko pag ganon ang hitsura nya, ibig sabihin may problema - ayaw nya lang sabihin. Pero sa totoo lang, damang-dama ko yun. Lalo na kasi alam kong ako ang may kasalanan. Sobrang nag-guilty tuloy ako. Ano naman ba ang nagawa ko? Bakit ko ba kasi siya nasungitan? Pero dedma lang nung pag-alis nya kahit nag kiss siya sakin bago sumakay ng tricycle.
Di tuloy ako mapakali. Inaantok nako pero di ako makatulog. Naglaro na lang ako ng The Sims. Yun ang ini-install nya sa sa laptop ko bago siya umalis. Nagpa-antok lang ako. Pero di ko rin natapos yung ginagawa kong bahay. Gusto ko pa sana siyang antayin makauwi, pero bigla naman akong inantok pagkatapos ng isang oras na paglalaro.
Nagising ako. Hindi ko alam kung anong oras na yun. Hinanap ko agad yung cellphone ko. "bahay nako babe [11:45pm]"
Palagay na yung loob ko kasi alam kong nasa bahay na siya. Pero di pa rin ako mapakali nun. Feeling ko talaga, nagtatampo siya sakin.
Nakatulog ako ulet.
Di ko na maalala yung buong pangyayari pero ang scene:
Nasa isang resort or hotel kami. Kasama ang ibang mga kaibigan namin sa pinoypsp. Tapos biglang napag-usapan ang tungkol sa mga hotel. Sabi ni rye, "Nakapag-stay na siya sa isang fine suite kasama si Girl." At nagconfirm yung Girl na yun. Ako naman, nagulat. Ha? Kelan yan?
Sabi lang ni rye, basta nung minsan daw na nag-away kami tapos dumaan siyang DC at andun si Girl. Nagkakayaan silang pumunta dun sa hotel.
Parang sasabog na talaga ang dibdib ko nun. Pilit ko siyang pinapaamin kung anong dahilan kung bakit nagpunta sila dun? Bakit kelangan nilang pumunta dun? May nangyari ba sa kanila?
Hindi na talaga ako makahinga. Pinilit ko magising. Narealize ko na panaginip lang pala. Buti na lang. Pero masakit pa rin ang dibdib ko at hirap pa rin akong huminga.
Galit pa rin kaya siya sakin? =(



