Home » Post Item » trabaho, lovelife at iba pa
trabaho, lovelife at iba pa
Wednesday, April 2, 2008sumasakit na naman ulo ko kakaisip.
isa-isahin natin ha.
una, trabaho - kung sa trabaho lang pag uusapan, ok naman ako sa trabaho ko at sa working environment ko dito. kaya lang pagdating sa pag-angat ng career at finacial - parang di ako masaya. may mga goals ako nun na di ko pa naabot sa ngayon. parang may kulang kasi sa ginagawa ko. minsan naman feeling ko comfortzone ko na to kaya natatakot ako kung aalis ako. pero parang kulang talaga eh. parang wala ako akong na-aacomplish - halos 2 taon nako nagtatrabaho.
may mga oppurtinity na nakaabang kaya lang kailangan ko munang pag-isipan kung anong pipiliin ko. ang hirap.
pero ayokong ma-stuck sa isang skill lang. gusto ko pang matuto. tapos finacially naman, di ako makaipon-ipon. bayad utang pa rin hanggang ngayon. pero unti-unti ko ng namamanage yung pera ko, di katulad dati - 2 araw pa lang pagkatapos ng sweldo, wala na.
di naman kasi to biro. may mga plano ako sa buhay noh.
pangalawa, lovelife - wala naman akong masasabi sa kanya - minsan lang may mga misunderstandings. saka nag-aadjust pa siguro. kaya nga minsan alam ko na gagawin ko pag may problema. medyo alam ko na kung pano ko i-hahandle. adjust lang talaga at patience. wala na kasi akong hahanapin pang iba - responsable siya sa work at sa family.
pangatlo - sana talaga makahanap na kami ng malilipatan ng tita ko. wala nama akong mashadong reklamo dun sa apartment ngayon kaya lang masikip na talaga para sa aming apat. saka gusto ko talaga ng may sarili akong kwarto. ang dami ko kasing gamit. gusto ko minsan ng time na mag-isa para makapag-isip isip. ok naman ako kay tita, kasi understanding din siya. saka di nakakailang kasi kamag-anak ko. di katulad dati, parang nasasakal ako ng di naman dapat. INDEPENDENT living nga eh tapos may mga ganong effect. basta buti andun nako kay tita.
wala lang. yan lang ang mga gusto kong sabihin ngayon. masakit talaga ulo ko eh. late na moodswing ito. pasensiya na sa mga nasungitan ko.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


