sorry po

Tuesday, April 29, 2008

kaya ayoko ng relationships eh, kasi in the end, nagkakasakitan lang kayo. -anne curtis (when love begins, 2008)

ouch! di naman maiiwasan yan sa isang relationship eh - yung masaktan o makasakit. kasi kahit ano pang sabihin mong you have something in common nung time na nagkakagustuhan pa lang kayo. pag nagstart na makilala nyo na yung isa’t isa, then you will realize - you are two very different people. 

then comes acceptance and trust at yung sinasabing intimacy. pag nakilala nyo ng mabuti ang isa’t isa, gaano man kabilis o katagal yun. masasaktan at masasaktan ka pa rin from time to time, kasi that only means na nararamdaman mo pa yung prescene niya sa buhay mo. 

di maiiwasan ang mga misunderstandings, moodswings - kaya di ako naniniwala dun sa mga nagbebreak or cool-off because of those simple things. 

pagnagcommit kasi ako sa isang tao, i make myself vulnerable to all kinds of emotions. ibig sabihin, ready akong masaktan. saka choice mo naman kung gusto mong maging masaya or hindi eh. 

kaya di ako favor dun sa line ni anne curtis sa "when love begins," kasi napaka-selfish ng ganong thinking.

sorry bhe, kung mainit yung ulo ko kanina. alam kong misunderstading lang yun. nagkasabay-sabay kasi eh. medyo lost pa ako dahil sa inet. pero sorry talaga. hay.  

Posted by ryz at 4:41 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.