Home » Archives » July 2008
hoooo!
Thursday, July 17, 2008youtube mode kami kagabi ni rye. hehe naaliw sa panunuod ng moymoypalaboy, happyslip and hard gay. hehe. tapos yung mga flash videos ng stickdeath.com. pang tanggal ng stress lang. =D
wah. pero di talag to ang dahilan kaya ako nag update ng blog ko. wala kasi ako maisip na intro.
eto talaga - kasi next week tuloy na ang naudlot na training ko last month. hindi nga lang sa bangkok kung saan mura ang shopping - sa Singapore na! shempre excited ako, first time kong lalabas ng pilipinas eh. 2nd time kong sasakay ng erpleyn. =p
mixed emotions…T_T kasi sa sobrang excited ko, parang nahohomesick na ako agad di pa ako nakakaalis. malayo na nga ako family ko, mas malalayo pa. mamimiss ko si rye ng sobra. mamimiss ko si ben. waaahh! 6 days yun..mejo matagal-tagal din.
waaah… mamimiss ko baby ko. T_T
nawawala
Monday, July 7, 2008
Sino kaya ang kumuha sa table ko? Sana naman ay ibalik na sakin. Hay.
master of pain
Thursday, July 3, 2008naghahanap ba ako ng sakit ng katawan?
kamusta naman ang biglaang pagpapa-opera ng cyst ko sa likod. hehehe. last thursday lang yun, outpatient naman yung surgery pero masakit pa rin ha. ang hirap kaya maligo kasi di pedeng mabasa yung tahi.
pero mabuti na rin yung nagpapa-check up, at least nalalaman ko kung anong status ng health ko. kung ano man yung mga nararamdaman ko like yung chest pain. mukhang normal naman yung result ng 2D echo ko. siguro dahil nga acidic ako kaya madalas yung chest pain ko. kulang na rin ako sa exercise kaya ganon ang dali kong mapagod.
tapos nagpacleaning na rin ako sa dentist, grabe ang sakit kasi maga daw yung gums ko dahil siguro sa tartar or bacteria. naku dapat talaga, regular ang pagpapalinis ng ngipin. kelangan ko pa magpadeep scaling para matanggal yung bleeding ko.
ano ba to. kelangan ayusin ang lifestyle. mahirap kaya magkasakit.



