Home » Archives » August 2008
iba-iba talaga
Friday, August 29, 2008minsan, di ko talaga maintindihan ang mga tao sa paligid ko. di mo maintindihan kung sino ba ang totoo. kapag tumalikod kaya ako, kaibigan pa rin ang turing nila sakin. ginagawa mo naman ang makisama. pero sapat na ba yun para masabi na kaibigan mo talaga sila?
kung mapili kang tao, wala kang magiging kaibigan. kung mapili ka, malamang kaaway mo ang buong barangay. kaya kailangan talagang makisama.
masarap talaga ang maraming kaibigan. yung kakwentuhan mo, kasama sa mga kalokohan at kung ano-ano pa. matuto ka lang makisama. para mabuhay ka. ganyan naman kahit saan - sa school, bahay o opisina. ang importante - kilala mo kung sino ka at kung ano ang pinagkaiba mo sa kanila - para kahit sino naman ang samahan mo, di ka maliligaw ng landas.
hay, steady lang. buti may isa akong totoong kaibigan - si ryan. ^__^
kelan kaya?
Tuesday, August 26, 2008kelan kaya yung susunod na komisyon? sana malaki na, gusto ko bumili ng bagong mobile phone. parang di ko na maantay yung pagpapalit ng fone namin dito sa opis eh. pag nagkataon, ibibigay ko na lang din sa mommy ko yung fone na ipapalit ng company.
matagal ko na talagang gusto yung Sony Ericsson P1i eh. ayoko na ng Nokia. gusto ko na ulet mag Sony Ericsson.
ewan ko pero ang daming mga bagong fone na lumabas ngayon pero mas gusto ko pa rin yung P1. bakit? hehe. ang babaw ng mga reasons pero eto:
- kasi qwerty fone siya, gusto ko matry yun.
- may stylus, ang sosy ng dating diba. tamang pang yuppie look lang.
- saka di na siya gaanong kamahal ngayon. afford ko na siguro kung malaki-laki yung matatanggap kong komisyon sa susunod.
- may wifi ata yun. wala lang. internet freak kasi ako.
- manipis, hindi bulky. simple lang yung design.
waaah. sobrang gusto ko talaga nito. sana magkaron nako ng komisyon.
Help Save Baby Chloe - Breast Milk Needed!
Thursday, August 21, 2008Hi guys,My pamangkin, Keila Chloe is in need of breastmilk to help her survive and gain strength. She is currently 2 weeks old and still in the ICU of Makati Medical Center (Nursery, 5th Floor). She was born last August 8, 2008, Normal Delivery. But she suffered from Hypoxia (loss of oxygen in the brain) during delivery because her head was stuck for an hour on her way out. She was revived. And immediately put on the Intensive Care Unit.
She needs at least 45ml of milk every 3 hours for her to gain strength and so she can be with her parents.
She is my tito richard and tita lenn’s first baby.
If any one knows someone or an organization that can donate breastmilk for our little angel - Chloe. Please do not hesitate to contact me on the following:
Mobile No. 09175850592
Email Address: mgpugay@trends.com.ph, reesepugay@trends.com.ph
YM: reecze@yahoo.com
Office Number: 8118181 local 4011
I greatly appreciate all the help!
bida ka sa jolibee!
Friday, August 15, 2008kaninang lunch, dun kami kumain sa jolibee ni si jun. sa labas ng tektite - for a change naman. kasi lagi kami sa “The Fourth” (sa fourth floor nung building may canteen) kumakain.
so kahit na sobrang haba ng pila, kasi saktong 12:00nn kami lumabas, ok lang. Hehehe. Para maiba lang. Jolibee naman hahaha!
Nagorder ako ng Cheesy Bacon Mushroom Burger! Yehey! Meron na ulet nito.. eto lang kasi ang nagustuhan kong burger ng jolibee eh. =p Saka umorder din ako ng Caramel Pastillas Sundae. Wala lang, bakit ba nagblog ako about jolibee? Eh ilampung beses na naman ako kumain dito.
Natuwa kasi ako sa service kanina dun sa counter. Proactive yung cashier nila. Di ako nagrequest ng water, pero binigyan nya ko. Galing! Di kasi ako nag-order ng drink. Nakakatuwa kasi, kusa siyang nagbigay ng tubig sakin.
Oha! Sana lang ganito yung ibang mga fast food. At sana ganito din yung ibang branch ng Jolibee. =p
ok na ko
Monday, August 11, 2008eto lang naman ang inaantay ko eh:
mukhang nkatulog na baby ko.. see you tom bhe. sna d na msama pakiramdam m bhe. mwah! nyt baby..
[rye|2008/08/11|10:48 pm]
ano kaya magiging reaction nya pag nakita nya ko dito ngayon?
bakasyon.. asan ka na?
nakakastress. nakakapagod.
kaya kelangan ko na ng break. sa darating na long weekend…. kelangan ko na talaga ng isang getaway. kahit saan mang lupalop ng Pilipinas. gusto ko lang malayo sa magulong mundo ng city.
sana baguio, kaso malabo dahil madalas mag uulan at bumagyo ngayon. mahirap na baka ma-LOST pa kami dun. kaya cancel muna ang north trip.
south muna kami ulet.. batangas, tagaytay, or laguna. plano-plano pa.
basta.. gusto kong matuloy to!
tseklis
Tuesday, August 5, 2008sobrang busy ngayon.. kaya kelangan ko gumawa ng checklist ng mga gagawin ko both on work and personal stuffs. naisip ko na sa blog ko na lang ilagay para regular ko machecheck kahit na di ako nakakapag-update sa ngayon kasi nga busy.
so eto ang mga things to do ko:
- update ng blog ko - yung update talaga ha.. kasi ang daming thoughts na pumapasok sa isip ko kaso wala akong time para isulat sa ngayon. para di ko makalimutan, eto ang ilan:
- about my singapore trip/training
- sa mga sapatos na nabili ko last month
- tungkol sa exam ko at mga training
- getaway or vacation na gusto ko
- update yung multiply ko - waah! di ko pa pala naa-upload yung mga pictures ko sa singapore.
- ayusing yung mga things ko sa bago naming apartment ni tita - ang dami ko kasing mga kung anik-anik. kelangan kong bumili ng isang portable na drawer para ma-organize yung mga gamit ko.
- ayusin yung closet ko - tsek =) - 08-05-08
- ayusin yung mga labahin ko - tsek=) -08-05-08
- linisin ang laptop ko - ang gulo-gulo kasi, halo-halo na naman ang mga files ko eh. kelangan ayusin ko ulet by folder. [09-01-08]
- kelangan ko din bumili ng bagong external hdd - para yung isa pang personal files ko tapos yung isa naman pang-work related files. halo-halo din kasi yung laman ng external hdd ko ngayon eh.
- bumili ng bagong enclosure - maalog kasi yung enclosure ng external hdd ko. ayoko ng uma-alog-alog na sound. baka masira eh. [08-29-08]
- ayusing ang desk ko sa office - nagrequest nako ng isa pang drawer sa admin. kasi sa ngayon share kami ni tina. eh feeling ko, mashado din akong maraming kung anik-anik sa desk, kaya gusto ko maayos din
- magreview ulet ng mabuti - para sa retake nung exam ko. T_T kelangan magfocus dun.
- i-organize ang mga demo/trainings at iba pang work-related stuffs. time management ito!
sobrang OC ko. kasi gusto ko maayos lahat. kaya lang, wala pang time ngayon. kaya dapat i-schedule ang mga gagawin.
time management.
prioritization.
saka higit sa lahat….
dapat kool lang.. =p



