Home » Post Item » iba-iba talaga
iba-iba talaga
Friday, August 29, 2008minsan, di ko talaga maintindihan ang mga tao sa paligid ko. di mo maintindihan kung sino ba ang totoo. kapag tumalikod kaya ako, kaibigan pa rin ang turing nila sakin. ginagawa mo naman ang makisama. pero sapat na ba yun para masabi na kaibigan mo talaga sila?
kung mapili kang tao, wala kang magiging kaibigan. kung mapili ka, malamang kaaway mo ang buong barangay. kaya kailangan talagang makisama.
masarap talaga ang maraming kaibigan. yung kakwentuhan mo, kasama sa mga kalokohan at kung ano-ano pa. matuto ka lang makisama. para mabuhay ka. ganyan naman kahit saan - sa school, bahay o opisina. ang importante - kilala mo kung sino ka at kung ano ang pinagkaiba mo sa kanila - para kahit sino naman ang samahan mo, di ka maliligaw ng landas.
hay, steady lang. buti may isa akong totoong kaibigan - si ryan. ^__^



