Sponsored Links

*poof*

Thursday, September 25, 2008

sorry.. kelangan ko lang ilabas to. alam mo naman pagnalulungkot ako.. dito ko lang kaya sabihin saka sayo. kaso di ko alam kung galit ka pa rin, kaya isusulat ko n lang. =(

sorry… mali yung instinct ko. dapat dun na lang tayo kabila sumakay.

tinatanggap ko naman na nagagalit ka kasi na-late ka naman sa office. naiintindihan ko yun. pero sana, wag naman buong araw tayong ganito. na-appreciate ko yung last text mo sakin na nakarating ka na ng office. inisip ko na lang na, siguro lumamig-lamig na ulo mo. sorry talaga, nalungkot lang ako kanina kasi alam mo yun.. ang saya natin kagabi. diba.. yung kulitan at kilitian. ang sarap lang kasi ng feeling na nakakapagbonding tayo ng ganun. kaya, nalungkot talaga ako sa reaction mo kanina. T_T

alam mo ba? the day before, yung absent ako. i was talking to myself, sabi ko.. never ka na magagalit sakin over stupid things dahil never ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo, yung ikakasakit ng feelings mo. kasi nagpromise nako sa saril ko na - never ako gagawa ng kalokohan kasi ayoko masaktan ka. saka matagal bago ko na-earn ang trust mo, kaya iniingatan ko yun. sabi ko nga sa sarili ko, kung magagalit ka sakin siguro sa ibang bagay, siguro kagaya nito…. pero sana naman di matagal. =( kilala kita eh… pag nagtampo ka… or nagalit. hayyy.. alam mo naman di ko kayang tiisin. 

kaya sorry.. bhe… sorry kanina.

Posted by ryz at 12:30 pm | permalink | View this entry

magluluto ako!

Monday, September 22, 2008

i missed cooking… T_T

totoo.. nung nasa cavite pa kasi ako, siguro yung time na di pa ako nagwowork nun.. most of the time, ako nagluluto samin. shempre with the help of mommy. 

kaya lang nung nagwork nako di nako mashadong nakakapagluto. pagod na kasi ako pag uwi sa bahay tapos kinabukasan, gusto ko naman magpahinga lang. 

nung nag-apartment ako, nakakapagluluto-luto ako pero minsan lang din. 

ngayon andun ako kina tita, mas lalo nako tinamad kasi si jessica minsan ang nagpeprepare ng pagkain. tinatamad na rin ako mamalengke. 

minsan pag pumupunta ako kina rye, gusto ko ipagluto ko naman sila. kaso nahihiya ako eh, baka pumalpak diba. =p

kahapon, pag gising ko mula sa pagpupuyat namin maglaro ng DOTA nung gabi - nakita ko si mommy nagluluto ng caldereta. naintriga ako, kaya inalam ko kung pano niya simulan yung pagluluto. so habang chinichika ko kung ano yung mga ingredients, pinagpatuloy ko yung pagprito ng patatas, carrots at bell pepper. tapos ako na rin ang nagpatuloy hanggang sa maluto siya.

sarap! tama lang yung consitency nung sauce. ^_^ mas masarap sana kung nilagyan ni mommy ng cheese whiz parang katulad dun sa recipe ni rosanna roces. 

ayun.. namiss ko lang magluto! kaya one of these days.. ipagluluto ko sina tita saka sila rye. =)

 

Posted by ryz at 1:01 pm | permalink | View this entry

ang dami-dami na

Friday, September 19, 2008

ang dami kong gustong gawin, puntahan, bilin at marating pero di ko makagawa. sabi nila enjoy the moment, pero mo naman ma-eenjoy sa lahat ng kilos mo kailangan may hawak kang pera.

pag may naiisip ako bilin or gawin, iniisip ko din kung pede ba? kasi meron pang mas malaki akong goal na kelangan ko munang marating. 

tama na muna ang gastos. T_T

dadating din yan………medyo matagal nga lang.  so tiyaga pa.

Posted by ryz at 3:13 pm | permalink | View this entry

ang weak pa namin…

Thursday, September 18, 2008

talo kami! dalawang beses!

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh……………

kelangan pa magpraktis…hehehe!

Posted by ryz at 1:37 pm | permalink | View this entry

akala mo naman!

Tuesday, September 16, 2008

aba…aba…aba! bakit moko pinagsusungitan ha? parang ang ganda mo ha (hehe joke lang.. mean ko naman!). 

pero seryoso, konting respeto sana.. kung tutuosin nga, mas mataas ako sayo. tapos ganyan ka umasta? nakakahiya ikaw pa naman ang toot ng toot. tapos ganyan ka umarte. nakakahiya. 

ang ayos ayos naman ng paki-usap ko ah. bastos! ang bastos mo! binabaan mo pa ako ng telepono. yan ba ang ugali ng isang katulad mo?

matagal na kitang inoobserbahan. buti nga sayo at may nakita kang katapat. kung ganon kalakas ang loob ko, sinagot sagot na rin kita. kaso may respeto ako sa nakakatanda. sana lang ay may respeto ka sa katrabaho mo!

Posted by ryz at 4:53 pm | permalink | comments[1]

the pizzahut experience

mga three weeks ago, nagdinner kami ni rye sa pizzahut, park square 1 - umorder kami ng fetucinne pasta, bbq ribs pizza at mushroom soup ata. basta yun. una pa lang, di na maganda ang pakiramdam ko sa service nila. kasi ba naman nung oorder na kami yung isang waiter na nasa cashier, di ba nman kami pinapansin. nakita yun nung manager nya. pero ang angas nya ah.. pati yung manager nya di nya pinansin. kamusta naman diba.

tapos, pag serve samin nung pasta - napansin ni rye na matigas pa yung fetucinne. so pinapalitan namin. ewan ko kung sarcastic ba yung waitress na nagserve samin nung bagong pasta - shrimp & garlic tapos spaghetti noodle na lang di na fetucinne - kasi sabi nya, “here’s your al dente..chuva chuva pasta….”  Hehehe.. whatever! 

di ako nakatiis, dahil di talaga ako satisfied sa service nila kaya nagsulat ako ng comment dun sa feedback form at ipinabigay ko dun sa manager nila. 

 

then, kagabi lang… dun kami nagdinner ulet. this time, pizza lang at mushroom soup ang inorder namin. wala namang nakakairitang experience except dun sa mas nauna pang sinerve ung pizza kesa dun sa soup. Hehehe. kaya sabi ko, “san na yung soup? bakit nauna pa ung pizza?” so medyo nataranta yung waiter/waitress kaya binalik nya ulet ung pizza tapos kinuha nya ung soup at sabay nyang sinerve samin. 

yun lang naman, pero overall - etong last visit namin kahapon - ok naman compared to the last time. mas ok yung mga crew ngayon pati yung manager. parang feeling ko nga eh, nagpalit sila ng crew at manager na naka-assign dun sa branch na yun - iba kasi dun sa dati. di kaya dahil dun sa feedback ko? 

kung ganon man, ok lang.. kasi at least napaganda nila yung service nila ngayon. inabot lang talaga ako ng hiya pero gusto ko na hilahin ung bell bago kami lumabas eh. =p

Posted by ryz at 2:15 pm | permalink | View this entry

busy talaga

Monday, September 15, 2008

ang daming ginagawa.. kaliwa’t kanan na ang mga POC…. T_T pero ok lang.. carry pa naman saka ok lang to. para makabenta na! 

sabi nga sa shopahollic - Make More Money!

kelangan lang… after nito.. relax.. chill!

Posted by ryz at 4:55 pm | permalink | View this entry

stress buster

Friday, September 12, 2008

…power breakfast kanina sa 7eleven!

then nung lunch..

 

we went to Glorietta para naman malayo ng konti sa mga opis namin. Nakakastress na kasi…pati si Rye stressed din.. marami daw tai chi sa kanila.

ganito kami ni Rye, pag stressed out - FOOD TRIP! kaya ang STRESS.. nakakataba for both of us.. hehehe. kasi kain kami ng kain! ^____^

…yan ang reason kaya ako tumataba ngayon.. we can’t help it.. masarap talaga kumain eh! machenes lang talaga yung mga iba… =p

…dami namin naorder.. kaya lang yung pinatakeout namin na spareribs at chicken nawala nung waiter (naku patay siya kay Rocky “the manager”, buti na lang di kami uber sungit..pinigilan din ako ni rye magsungit. kawawa naman daw yung waiter.)… sayang lang yung food. tsk.

…sarap! busog na busog kami… medyo gumaan ang pakiramdam namin dahil sa stress..bumigat lang yung mga tummy! =))

 

wow… eto pala ang bagong fone ni rye.. Sony Ericsson c702..  kainggit..hehehe. =P yan ang ginamit namin pangpicture-picture..^_^ 

Posted by ryz at 4:26 pm | permalink | View this entry

end my torment

Thursday, September 11, 2008

Ang sakit sobra ng likod ko!!!!! Yung upper back…. ang sakit sobra………

nalamigan ata o mali ang position ko nung pagtulog. ang sakit.. amp!

Posted by ryz at 1:30 pm | permalink | View this entry

sabi ko na!

Tuesday, September 9, 2008

may bago na naman akong pinagkakalibangan at di ako nagkamali sa sinabi ko noon. pagnatutunan ko maglaro ng DOTA, maadik ako! hehehe… totoo naman talaga!

nung una kasi medyo ayaw ko pa, akala ko kasi boring eh. nung una ko kasi makita di ko maintindihan yung gagawin. saka ang daming pipiliin at imemorize. pero shempre sa una lang yun, kasi pag nasanay ka na, matatandaan mo din ang mga kelangan mong bilin at gamitin. 

nung sabado ng gabi, nagtry muna ako maglaro nung campaign mode, yung story talaga ng warcraft III para maintindihan ko lang kung ano ang mga dapat gawin. tapos nag custom game nako, si Lanaya yung una kong napili nun. wala lang, siya kasi yung una ko napansin kaya siya ginamit ko. di ko pa alam kung anong bibiling gamit, saka kung pano gamitin yung abilities nya. kaya madalas ako mamatay nung unang game ko, sugod kasi ako ng sugod eh. 

tapos nagtry ako ulet, si Lanaya ulet. medyo nakukuha ko na kung pano, 2-1 nilaro ko nun. may kakampi akong computer. Hanggang Level 8 lang ako, pero nanalo naman kami. 

Tapos nagbasa-basa ako kahapon, at nagtanong-tanong kung sino maganda gamitin pag newbie pa lang. Sabi nila si Kardel daw. So nung gabi, si Kardel nga ginamit ko. Nung unang game ko, malapit na matapos yun eh. Narinig ko na nag alert ung battery ko. sabi.. “tut!” critical battery na!. Waaah. Di ko pinansin. Ang lakas ata ng sounds ko. Tapos ayun na, malapit na matapos eh… sabay……………………………………………………..namatay na..yung laptop! T_T di ko ata narinig ung last warning! Hahaha!

Dapat matutulog nako pero di ako papayag di matapos yung laro ko. So inulit ko ulet. Tapos this time, ginawa ko Normal na lahat. Si Kardel ulet ginamit ko. Tapos 2-2 na!

Ayos.. umabot ako ng Level 21! Namatay ako 2 beses ata.. tapos ayun na.. The Sentinel has won! ^____^

Hehehe yun lang… =P

Posted by ryz at 9:31 am | permalink | comments[2]

everything will pay off soon…

Monday, September 8, 2008

yes english! papa-cheeseburger ako.. lol

yan ang status message ko ngayon sa YM. kasi minsan madali ako mafrustrate sa mga bagay bagay lalo na sa work. minsan akala kasi nung iba petiks lang kami. pero di nila alam, mahirap din ang ginagawa namin. di nila kasi naiintindihan. saka minsan feeling ko di ako narerecognize. parang sayang yung mga efforts. pero sabi nga ni sir erick dati, lahat kelangan paghirapan. yung halos literal na DUGO at PAWIS na ang ilalabas mo para mareward ka sa mga ginagawa mo. 

kaya naisip ko, everything will pay off soon.. parang eventually magiging okay din ang lahat. di pa lang talaga ngayon. pero malapit na. malapit na malapit na talaga…..

Posted by ryz at 4:40 pm | permalink | View this entry

ang sama ng pakiramdam ko

Thursday, September 4, 2008

kung pwede lang ako umabsent ngayon, sana umabsent na lang ako. sobrang sama ng pakiramdam ko talaga. eto na naman yung ayokong sakit - trangkaso! puyat pa ako kagabi, may birthday kasi sa bahay - ang ingay - di ako nakatulog ng maayos. nagwawala pa yung pinsan ko. hay kung alam ko lang, sana dun na lang ako kina rye. pero siguro absent ako ngayon kung dun ako tumuloy. kaso di talaga ako pede umabsent ngayon eh. may nakapending na POC at kailangan andito ako. 

gusto ko talaga magpahinga muna. T_T

batrip talaga!

Posted by ryz at 9:14 am | permalink | View this entry

soup

Wednesday, September 3, 2008

 

naalala ko nung Sabado nung nagkaron (hehehe) ako, pinagluto ako ni rye ng soup (crab and corn - oha! advertisement ito). wala lang! natuwa ako at kinilig sa ginawa nya.  di naman kasi siya nagluluto talaga, pero kahit na simpleng soup lang yun, or kahit na instant man, eh, EFFORT pa rin diba!

thanks bhe…^__________^

 sobrang hinang-hina talaga ako nun, akala ko di nako makakasama sa eraserheads concert.  pero i felt better nung makakain nako at makaligo. mahirap talagang maging babae, buwan-buwan may parusa tayo. kaya tama lang, kahit isang araw - itreat nyo kami as princess! Hehehe.

Posted by ryz at 10:31 am | permalink | View this entry

ikaw na naman ang bida!

Tuesday, September 2, 2008

badtrip naman oh… ikaw na naman ang bida. bakit ba? bakit ako, kahit ano man sa efforts ko di marecognize. FAILURE BA AKO?

nakakafrustrate pero mas lalo akong ginaganahan ngayon.

kaya ko rin.

Posted by ryz at 1:06 pm | permalink | comments[2]

tsk.. manyak!

di magandang salubong sakin to sa umaga… medyo masama pa naman pakiramdam ko. ganito kasi yun.. hay…

kanina sa jeep, may isang lalaki na siguro nasa early 40’s na ang sobrang garapal talaga sa kamanyakan. actually, di ako yung nabiktima eh. pero naaawa ako dun sa dalawang babaeng minamanyak nya. una, yung babaeng katabi nya na medyo pretty eh obvious na minamanyak nya.  pilit nyang dinidikit yung braso nya dun sa dibdbib nung babae. etong si babae naman kasi, di ata nakakaramdam. mautak tong lalaking manyak na to eh, yung isang katabi nya kasi, sabihin na natin di gaanong kagandahan. kaya dun sa pretty na babae siya dikit ng dikit. talagang pasimple pa siyang tumitingin sa tabi nya para makita yung dibdib nung babae kung maabot ng braso nya. kunyari tulog siya tapos kapag kumakadyot yung jeep, sumasagi-sagi yung braso nya dun sa dibdib nung babae. siguro bandang kalahati na nung byahe, nakaramdam na yung girl, medyo hinarang na nya yung kamay nya. pero ayaw talaga patalo nung lalaki, humahanap pa rin siya ng tiyempo. tsk talaga! 

eto pa isa, di pa siya nakuntento dun sa isa, napansin ko kasi na tingin siya ng tingin pailalim. yun pala yung isang babaeng katabi nung katabi ko, nakaskirt ( nagtatrabaho ata sa bangko). grabe, eh medyo tulog yung girl na nakaskirt. saka ewan ko ba dito sa manyak na to. ano kayang mapapala nya eh wala naman siyang makikita. tsk talga.

tumitingin nga siya sakin kasi feeling ko, alam nyang inoobserbahan ko siya. grabe. kung may magagawa lang ako. T_T

 kaya ako, alert and aware na ko sa mga ganyang tao sa jeep eh. 

Posted by ryz at 9:59 am | permalink | View this entry

Eraserheads: The Reunion

Monday, September 1, 2008

 

 

rye, reese,jello & kelvin @ Eraserheads: The Reunion concert [August 30, 2008]

   

  Eraserheads: The Reunion
The Fort Open Fields
August 30, 2008

 another first! first time kong manuod ng live concert tapos eraserheads pa, tapos reunion concert pa - that was HISTORY and I was part of it! astig.. kahit na mahal yung ticket at di natapos yung concert (dapat kasi 3 hours yun, kaso sumama ang pakiramdam ni Ely Buendia, well, understood naman yun - we all know his mom passed away just two days before the concert and given na yung physical condition nya at siguro yung pressure). masaya pa rin - grabe yung feeling. yung crowd sobrang excited at feel na feel nila ang bawat kanta. kahit ako eh - lalo na dun sa mga alam ko yung lyrics talagang nakikisabay din ako. kahit na yung di ko alam - katulad nung fruitcake, grabe sobrang LSS ako. one of my favorite songs ko na yun ngayon.

there’s a fruitcake for everybody…

there’s a fruitcake in everyone…

worth it naman ang bayad at pagod. ^___^

Posted by ryz at 2:25 pm | permalink | comments[2]

yan ang kaibigan

 sarap ng bonding. kwentuhan. bulgaran. food trip. inuman.

pag kasama mo yung mga totoong kaibigan. wala kang itatago. magpakatotoo ka lang. dapat handa kang tanggapin ang anumang sasabihin nila mabuti man o masama.

ayoko kasi sa lahat, yung plastik at mayabang.

 

sa halos 2 taon namin magkakasama ng mga CA friends ko, habang tumatagal. Sa tingin ko mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Yung tipong wala ka ng dapat itago. Masaya ako dahil andyan sila. Thankful ako lalo na nung andun sila sa tabi ko nung naospital ako.  Sa mga lakad at gimik, tamang food trip at inuman lang. Sa kanila ko naexperience ang buhay yuppie. Hehe. Pero take note, lahat kami mga responsableng nilalang. =D

 

rye, reese, sarah, geoff @ sonya’s garden [august 16-17, 2008]

mon, rye, reese,geof, sarah @ raymond’s place [august 29-30, 2008]

 

rye, reee, geoff, sarah, armand, ate rose @ raymond’s place [august 29-30, 2008]

 

Posted by ryz at 11:34 am | permalink | comments[2]