tsk.. manyak!

Tuesday, September 2, 2008

di magandang salubong sakin to sa umaga… medyo masama pa naman pakiramdam ko. ganito kasi yun.. hay…

kanina sa jeep, may isang lalaki na siguro nasa early 40’s na ang sobrang garapal talaga sa kamanyakan. actually, di ako yung nabiktima eh. pero naaawa ako dun sa dalawang babaeng minamanyak nya. una, yung babaeng katabi nya na medyo pretty eh obvious na minamanyak nya.  pilit nyang dinidikit yung braso nya dun sa dibdbib nung babae. etong si babae naman kasi, di ata nakakaramdam. mautak tong lalaking manyak na to eh, yung isang katabi nya kasi, sabihin na natin di gaanong kagandahan. kaya dun sa pretty na babae siya dikit ng dikit. talagang pasimple pa siyang tumitingin sa tabi nya para makita yung dibdib nung babae kung maabot ng braso nya. kunyari tulog siya tapos kapag kumakadyot yung jeep, sumasagi-sagi yung braso nya dun sa dibdib nung babae. siguro bandang kalahati na nung byahe, nakaramdam na yung girl, medyo hinarang na nya yung kamay nya. pero ayaw talaga patalo nung lalaki, humahanap pa rin siya ng tiyempo. tsk talaga! 

eto pa isa, di pa siya nakuntento dun sa isa, napansin ko kasi na tingin siya ng tingin pailalim. yun pala yung isang babaeng katabi nung katabi ko, nakaskirt ( nagtatrabaho ata sa bangko). grabe, eh medyo tulog yung girl na nakaskirt. saka ewan ko ba dito sa manyak na to. ano kayang mapapala nya eh wala naman siyang makikita. tsk talga.

tumitingin nga siya sakin kasi feeling ko, alam nyang inoobserbahan ko siya. grabe. kung may magagawa lang ako. T_T

 kaya ako, alert and aware na ko sa mga ganyang tao sa jeep eh. 

Posted by ryz at 9:59 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.