sabi ko na!

Tuesday, September 9, 2008

may bago na naman akong pinagkakalibangan at di ako nagkamali sa sinabi ko noon. pagnatutunan ko maglaro ng DOTA, maadik ako! hehehe… totoo naman talaga!

nung una kasi medyo ayaw ko pa, akala ko kasi boring eh. nung una ko kasi makita di ko maintindihan yung gagawin. saka ang daming pipiliin at imemorize. pero shempre sa una lang yun, kasi pag nasanay ka na, matatandaan mo din ang mga kelangan mong bilin at gamitin. 

nung sabado ng gabi, nagtry muna ako maglaro nung campaign mode, yung story talaga ng warcraft III para maintindihan ko lang kung ano ang mga dapat gawin. tapos nag custom game nako, si Lanaya yung una kong napili nun. wala lang, siya kasi yung una ko napansin kaya siya ginamit ko. di ko pa alam kung anong bibiling gamit, saka kung pano gamitin yung abilities nya. kaya madalas ako mamatay nung unang game ko, sugod kasi ako ng sugod eh. 

tapos nagtry ako ulet, si Lanaya ulet. medyo nakukuha ko na kung pano, 2-1 nilaro ko nun. may kakampi akong computer. Hanggang Level 8 lang ako, pero nanalo naman kami. 

Tapos nagbasa-basa ako kahapon, at nagtanong-tanong kung sino maganda gamitin pag newbie pa lang. Sabi nila si Kardel daw. So nung gabi, si Kardel nga ginamit ko. Nung unang game ko, malapit na matapos yun eh. Narinig ko na nag alert ung battery ko. sabi.. “tut!” critical battery na!. Waaah. Di ko pinansin. Ang lakas ata ng sounds ko. Tapos ayun na, malapit na matapos eh… sabay……………………………………………………..namatay na..yung laptop! T_T di ko ata narinig ung last warning! Hahaha!

Dapat matutulog nako pero di ako papayag di matapos yung laro ko. So inulit ko ulet. Tapos this time, ginawa ko Normal na lahat. Si Kardel ulet ginamit ko. Tapos 2-2 na!

Ayos.. umabot ako ng Level 21! Namatay ako 2 beses ata.. tapos ayun na.. The Sentinel has won! ^____^

Hehehe yun lang… =P

Posted by ryz at 9:31 am | permalink

Previous Comments

wahaha simula na yan! =D

Posted by sarah at September 9, 2008, 9:56 am

adeeeeeek! :P

Posted by RyE at September 9, 2008, 2:14 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.