magluluto ako!

Monday, September 22, 2008

i missed cooking… T_T

totoo.. nung nasa cavite pa kasi ako, siguro yung time na di pa ako nagwowork nun.. most of the time, ako nagluluto samin. shempre with the help of mommy. 

kaya lang nung nagwork nako di nako mashadong nakakapagluto. pagod na kasi ako pag uwi sa bahay tapos kinabukasan, gusto ko naman magpahinga lang. 

nung nag-apartment ako, nakakapagluluto-luto ako pero minsan lang din. 

ngayon andun ako kina tita, mas lalo nako tinamad kasi si jessica minsan ang nagpeprepare ng pagkain. tinatamad na rin ako mamalengke. 

minsan pag pumupunta ako kina rye, gusto ko ipagluto ko naman sila. kaso nahihiya ako eh, baka pumalpak diba. =p

kahapon, pag gising ko mula sa pagpupuyat namin maglaro ng DOTA nung gabi - nakita ko si mommy nagluluto ng caldereta. naintriga ako, kaya inalam ko kung pano niya simulan yung pagluluto. so habang chinichika ko kung ano yung mga ingredients, pinagpatuloy ko yung pagprito ng patatas, carrots at bell pepper. tapos ako na rin ang nagpatuloy hanggang sa maluto siya.

sarap! tama lang yung consitency nung sauce. ^_^ mas masarap sana kung nilagyan ni mommy ng cheese whiz parang katulad dun sa recipe ni rosanna roces. 

ayun.. namiss ko lang magluto! kaya one of these days.. ipagluluto ko sina tita saka sila rye. =)

 

Posted by ryz at 1:01 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.