Sponsored Links

excuses

Monday, October 27, 2008

ang ayoko sa lahat, ang dami pang palusot! pag ganitong masama ang pakiramdam ko, madali talaga ako mabadtrip. lalo na, malapit na akong magkaron. iritable na talaga ako.

nakakainis ba naman kasi. masama pakiramdam ko ngayon, dalawang araw nako nag-el-LBM, hinang-hina nako. tapos maaga ako gumising, umalis ng bahay at nagbyahe para makarating dito ng maaga. tapos yun pala.. wala pa sila? mukhang di pa ata alam ng audience ko na ngayon ako magdedemo sa kanila.

tapos sasabihin pa sakin, “baka natraffic lang din sila, like me.” JUICEMIO!!!! ok lang sakin yung client ko yung late eh, given naman yun. pero kung ang dahilan eh IKAW. JUICEMIO talaga! mukhang di mo pa pinaalam sa kanila na magppresent ako ngayon. so di kasalanan ng client ko na LATE man sila kasi DI MO na naman na-inform. so wala ngayon? bukas na naman? 

kung di lang malayo dito eh ok lang sana. kaso ang layo nito. magastos pa sa pamasahe, sa pagkain, sa pagod. mukhang maoospital na naman ako eh.

tapos ngayon……………….DAHIL “CA” lang to. icacancel mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! JUICEMIO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

pagod nako. baka sa susunod na blog ko, nasa ospital na naman ako.

Posted by ryz at 9:26 am | permalink | comments[1]

bee-see si reese

Tuesday, October 21, 2008

wah!

blog.. wait lang ha. gusto ko na talaga magkwento sayo.

busy lang talaga.

T_T 

Posted by ryz at 11:33 am | permalink | View this entry

hayyy

Friday, October 10, 2008

gusto ko lang naman ng bakasyon.

badtrip.

sana umulan ng maraming pera.

 

Posted by ryz at 2:04 pm | permalink | View this entry

F5PC-LTM and s’mores!

Monday, October 6, 2008
F5? What is F5?
 
Kung wala ka sa IT World, malamang di ka talaga magiging familiar sa product na to. Kahit ako eh, nung first time ko narinig to, sabi ko din sa sarili ko, ano yung F5? Para bang yang grupo katulad ng F4? Hehe. Ang alam ko kasing F5, sa keyboard diba..yung pang-Refresh. ^_^
 
Pero alam nyo ba, ang F5 din ang nagbigay sakin ng mga bagong oppurtunities. Like nung pagpunta kong Singapore last July 21-26, 2008 - training kasi yun for Essential & Advance Courses for F5’s BIG-IP LTM product. So nagkaron ako ng chance ng magkaron ng formal training at makapunta din out of the country for the first time. =)
 
 Sa ngayon, may mga leads na kami for F5. Sana maging maganda yung business namin para at least makatulong sa revenue ng company. 
 
Sa F5, nakuha ko din ang first certification ko. =) Fulfilling kasi.. pinaghirapan ko talaga ang pagrereview. Nung first take ko na eh, bumagsak ako. Na-excite kasi ako nun, akala ko… good idea yung itake ko agad yung exam. Kasi 1 week pa lang since nung nagtraining kami so sabi ko sa sarili ko, fresh pa yung mga ideas. Kaya lang, failed. =(
 
Nalungkot ako nun sobra. Kelangan talaga ng familiarity dun sa product & time para makapag-review. 
 
Last September 30, nagtake ako ulet ng exam at sa wakas.. I PASSED!
 
Natutuwa ako talaga kasi, the night before ako magtake ng exam, tinext pa ako ng boss ko. He gave me some motivations na kelangan ko talaga.  
 
Nung day ng exam ko, madami din ang nagpakita ng support. 
 
So ngayon, meron nakong certification…=)
 
 
Certified Product Consultant na for F5 LTM products. 
 
At di pa diyan nagtatapos, kasi i’m looking forward to take the next certification exam. Para sa Advance course naman yun and para maging Certified Systems Engineer naman. 
 
Oha! Oha! Oha!
 
Special thanks nga pala kay Rye.. salamat sa pagtreat mo sakin ng S’mores Cake from Red Ribbon. Hehe..sarap talaga nun! =) 
Posted by ryz at 1:35 pm | permalink | comments[1]