Home » Archives » November 2008
Pasko na naman..oh kay tulin ng araw!
Monday, November 24, 2008Halos isang buwan na lang, Pasko na naman! Para sa mga bata, Pasko na! Pero pag tumatanda ka na at dumadami na ang gastos mo, ang sasabihin mo eh.. Pasko na naman! =p
Para sa mga bata, excited sila kasi makakatanggap na naman ng mga aginaldong pera or laruan. Pero para sa mga matatanda… gastos na naman!!!!
Sa dadating na Pasko, 8 na ang inaanak ko. Di naman ako nagrereklamo dun kasi blessing naman ang mga bata. Saka halos lahat ng inaanak ko, puro mga pinsan or pamangkin ko. =) Kaya pagdating ng 13th month at commision, magtatabi nako para sa aginaldo nila. Sana nga may time pa para makabili ng gifts, kasi gusto ko talaga, may something akong mabibigay sa kanila ndi lang basta pera. Para pag laki nila, matatandaan nila na kay Ninang Laurice galing tong barbie doll ko! or Kay Ninang Laurice galing tong toy truck ko! =) Sarap ng feeling kung maalala ako ng mga inaanak ko paglaki nila.
Anyway, para sa Paskong ito..meron akong wishlist. Pero ang wishlist ko, di para sakin. Para sa mga loved ones ko:
- Tatay - DVD player (para daw makapanuod siya ng Prison Break sa room nya)
- Mommy - Fully Paid utang (hopefully by the end of this year, tapos ko ng bayaran lahat ng utang ko sa mommy ko, para next time makapagbigay nako para sa allowance ng kapatid ko)
- Lara & Jax - Laptop ( sana makatulong ako sa pagbili ng laptop nila, siguro isa muna kasi may PC naman)
- Ben - Successful Operation sa Heart nya (I heart ben! Please support ben. http://benheartsyou.multiply.com)
- Rye - SECRET! Hehehe..pero either… Bag (kasi sobrang worn-out na ung gift ko sa kanyang bag dati) or shoes (rubber shoes kasi sira na din ata ang shoes niya).
Yun naman ang mga target ko.. sana di na naman ako mabigo. 13th month pay at commision lang ang pag-asa ko!
apartment
Saturday, November 22, 2008ayos diba? eto yung apartment namin nila Ma’am Des & Jules.
may mini dining/kitchen kami, dresser and two bed..=)
..buti pa si Ma’am Laurice..
Tuesday, November 11, 2008…buti pa si Ma’am Laurice, pa-easy-easy lang…
…buti pa si Ma’am Laurice, walang problema…
…buti pa si Ma’am Laurice, di busy
WATDA! Yan ang pinaka-ayaw kong hinihirit sakin sa office. Lalo na kung di nyo alam kung anong mga ginagawa ko ngayon at pinoproblema! Kahit kelan di ako humirit ng ganyan sa iba. Kasi alam ko naman, bawat isa sa atin may kanya-kanyang ginagawa. Wala naman ako paki-alam kung si ganito petiks, or si ganito busy-busyhan. Wala akong pakialam sa ginagawa ng iba basta WAG din akong paki-alamanan!
Ginagawa ko ang trabaho ko. PERIOD!
Nakakainit lang ng dugo. Nakakadismaya.
surprise surprise!!!
Monday, November 10, 2008Last November 6 - from PLDT Sampaloc, umuwi ako ng Cavite para i-surprise si mommy sa kanyang birthday.
Plano ko na talaga to ilang weeks before. Unsual kasi na gawin ko tong mga ganito, saka di ko lam ang magiging reaction nila. Pero sabi ko, di lang sa teleserye or movie nangyayari to kaya totohanin ko na.
Nung una, alanganin pa ako kasi wala na talaga akong pera. Humiram pa ako kay rye. Pero sabi nga, it’s the thought that counts diba. Kaya kahit na wala akong dalang regalo, ok na siguro yung umuwi ako.
So nung umaga, tinext ko muna si lara, tinanong ko kung anong plano nila mommy. Nung una kasi, alam ko manunuod sila ng Quantum of Solace. Kaya nag-alangan din akong umuwi. Pero nung maconfirm ko kay lara na mukhang malabo umalis sila mommy, nagdecide na talaga ako na uuwi ako.
Kaya pagdating ko ng Sampaloc nung umaga, tinext ko na din si Tatay. Sabi ko uuwi ako, issurprise ko si Mommy. At sabi naman ni tatay, susunduin nya daw ako sa Sm Bacoor. Bumili na lang daw kami ng konting handa.
Kaya naman, nakiusap din ako sa boss ko na kung pedeng umuwi ako ng mas maaga ngayon lang kasi birthday nga ni Mommy and gusto ko siyang isurprise. Ok naman..pumayag naman. Kaya wala nakong problema. Kahit na mahirap, malayo, nakakapapagod. Sulit yung pag-uwi ko. Kasi nung makita ako ni Mommy, napaiyak talaga siya.
Di nya kasi ineexpect na uuwi ako, saka di ko rin siya binati ng buong maghapon kaya talagang nagtatampo na siya nun. Di nga nya napansin yung uwi nila tatay na pizza, lechon manok at ice cream eh.
Pag-akyat ko sa kwarto, sabi ko…SURPRISE!!!!!!!!!!!! Happy Birthday Mi!!!!!!!!
Nagulat siya, parang di nya lam ang gagawin nya kaya nag-ayos ayos na lang siya ng higaan habang naririnig ko yung paghikbi nya. Hehehe. Di ko rin napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ayun na! Iyakan na kami.
Saka nya lang napansin yung dala naming handa saka yung dala kong cake. =)
lipat bahay
November 16, 2007 - eto ang unang beses kong mag-apartment. Sa Cembo ako nun, residential area ng Makati. Kasama ko dati ang isang officemate ko at ang asawa nya. Ok naman sana ang bahay, maluwag, malinis, malakas ang tubig. At siyempre may mga gamit na sila kaya di ako nahirapan - sa paglalaba, pagplantsa, linis at luto. Kaya lang, di rin ako nagtanggal dun for some reasons. Siguro mga halos 2 buwan lang.
Nung minsan bumisita sakin si Tita, nabanggit nya na pede daw ako makitira sa kanila sa Pateros. Tamang-tama naman kasi medyo di na ako masaya dun sa apartment eh. Hassle din yung paglakad-lakad ng malayo bago makasakay ng Aircon Jeep. Saka natatakot din ako para kay Rye kasi pag hinahatid nya ako, sa Guadalupe pa siya sasakay. Medyo delikado pa naman dun, maraming snatchers.
January 12, 2008 - Lumipat nako kay Tita. Nung okay din, tryk lang paglabas ng bahay tapos sa sakayan na ng jeep papuntang Makati. Ang maganda dun eh, halos sa tapat na ng building ang baba ko kay di na gaanong maglalakad ng malayo. Sabi ko nun, magtatagal nako kay Tita, kasi convenient naman. Pero nung pagtagal-tagal medyo di na rin maganda para sakin, feeling ko hassle naman pag pauwi. Kaya minsan tinatamad ako umuwi dun. Lalo na nung lumipat kami dun sa kabilang block. Di na maganda yung lugar, takot na ako umuwi pag gabi.
Kaya akala ng iba, ok ako dun kina Tita. Pero minsan, di rin ako makapagpahinga. Maingay din kasi lalo na pag pinapagalitan ni Tita yung pinsan ko. Medyo nasisikipan din ako lugar. Parang feeling di ako makahinga. Tipid sana ako sa bayad ng bahay, pero sa pamasahe parang talo din ako. Hay.
Kaya nung may nagsabi sakin sa office na may nakita siyang apartment na OK naman daw. Sabi ko tingan ko at nung nakita ko naman yung lugar at yung mismong bahay. Sabi ko sarili ko, gusto ko na dito. Kasya na sa budget yung rent at pamasahe. Di pa ako mapapagod kasi malapit lang talaga sa office. OK din naman ang mga makakasama ko - si Ma’am Des at si Jules. Halos kumpleto din sila gamit saka malinis sa bahay. Di din naman sobrang sikip ng lugar namin kaya tamang tama lang. Alam mo yun parang feel ko na talaga yung pag-aapartment kasi nakakagalaw ako ng gusto ko. Walang problema - at wish ko na magtagal kami na magkakasama. Mahirap kasi makahanap ng mga OK kasama lalo na sa bahay eh.
Kaya nitong November 8, 2008 - lipat bahay ako for the 3RD TIME sa aking bagong apartment! =)
eto ang guide ko ngayon
Monday, November 3, 2008When you are content to be simply yourself and don’t compare or compete, everybody will respect you. -Lao Tzu
…later ko na idadagdag ang point of view ko. pero sa swak sakin tong quote na to and maganda din pang-start ng bagong taon ko.







