lipat bahay

Monday, November 10, 2008

November 16, 2007 - eto ang unang beses kong mag-apartment. Sa Cembo ako nun, residential area ng Makati. Kasama ko dati ang isang officemate ko at ang asawa nya. Ok naman sana ang bahay, maluwag, malinis, malakas ang tubig. At siyempre may mga gamit na sila kaya di ako nahirapan - sa paglalaba, pagplantsa, linis at luto. Kaya lang, di rin ako nagtanggal dun for some reasons. Siguro mga halos 2 buwan lang. 

 

Nung minsan bumisita sakin si Tita, nabanggit nya na pede daw ako makitira sa kanila sa Pateros. Tamang-tama naman kasi medyo di na ako masaya dun sa apartment eh. Hassle din yung paglakad-lakad ng malayo bago makasakay ng Aircon Jeep. Saka natatakot din ako para kay Rye kasi pag hinahatid nya ako, sa Guadalupe pa siya sasakay. Medyo delikado pa naman dun, maraming snatchers.

 

January 12, 2008 - Lumipat nako kay Tita. Nung okay din, tryk lang paglabas ng bahay tapos sa sakayan na ng jeep papuntang Makati. Ang maganda dun eh, halos sa tapat na ng building ang baba ko kay di na gaanong maglalakad ng malayo. Sabi ko nun, magtatagal nako kay Tita, kasi convenient naman. Pero nung pagtagal-tagal medyo di na rin maganda para sakin, feeling ko hassle naman pag pauwi. Kaya minsan tinatamad ako umuwi dun. Lalo na nung lumipat kami dun sa kabilang block. Di na maganda yung lugar, takot na ako umuwi pag gabi. 

Kaya akala ng iba, ok ako dun kina Tita. Pero minsan, di rin ako makapagpahinga. Maingay din kasi lalo na pag pinapagalitan ni Tita yung pinsan ko. Medyo nasisikipan din ako lugar. Parang feeling di ako makahinga. Tipid sana ako sa bayad ng bahay, pero sa pamasahe parang talo din ako. Hay. 

Kaya nung may nagsabi sakin sa office na may nakita siyang apartment na OK naman daw. Sabi ko tingan ko at nung nakita ko naman yung lugar at yung mismong bahay. Sabi ko sarili ko, gusto ko na dito. Kasya na sa budget yung rent at pamasahe. Di pa ako mapapagod kasi malapit lang talaga sa office. OK din naman ang mga makakasama ko - si Ma’am Des at si Jules. Halos kumpleto din sila gamit saka malinis sa bahay. Di din naman sobrang sikip ng lugar namin kaya tamang tama lang. Alam mo yun parang feel ko na talaga yung pag-aapartment kasi nakakagalaw ako ng gusto ko. Walang problema - at wish ko na magtagal kami na magkakasama. Mahirap kasi makahanap ng mga OK kasama lalo na sa bahay eh. 

Kaya nitong November 8, 2008 - lipat bahay ako for the 3RD TIME  sa aking bagong apartment! =)

Posted by ryz at 9:36 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.