surprise surprise!!!

Monday, November 10, 2008

 

Last November 6 - from PLDT Sampaloc, umuwi ako ng Cavite  para i-surprise si mommy sa kanyang birthday.

Plano ko na talaga to ilang weeks before. Unsual kasi na gawin ko tong mga ganito, saka di ko lam ang magiging reaction nila. Pero sabi ko, di lang sa teleserye or movie nangyayari to kaya totohanin ko na. 

Nung una, alanganin pa ako kasi wala na talaga akong pera. Humiram pa ako kay rye. Pero sabi nga, it’s the thought that counts diba. Kaya kahit na wala akong dalang regalo, ok na siguro yung umuwi ako.

So nung umaga, tinext ko muna si lara, tinanong ko kung anong plano nila mommy. Nung una kasi, alam ko manunuod sila ng Quantum of Solace. Kaya nag-alangan din akong umuwi. Pero nung maconfirm ko kay lara na mukhang malabo umalis sila mommy, nagdecide na talaga ako na uuwi ako. 

Kaya pagdating ko ng Sampaloc nung umaga, tinext ko na din si Tatay. Sabi ko uuwi ako, issurprise ko si Mommy. At sabi naman ni tatay, susunduin nya daw ako sa Sm Bacoor. Bumili na lang daw kami ng konting handa. 

Kaya naman, nakiusap din ako sa boss ko na kung pedeng umuwi ako ng mas maaga ngayon lang kasi birthday nga ni Mommy and gusto ko siyang isurprise. Ok naman..pumayag naman. Kaya wala nakong problema. Kahit na mahirap, malayo, nakakapapagod. Sulit yung pag-uwi ko. Kasi nung makita ako ni Mommy, napaiyak talaga siya. 

Di nya kasi ineexpect na uuwi ako, saka di ko rin siya binati ng buong maghapon kaya talagang nagtatampo na siya nun. Di nga nya napansin yung uwi nila tatay na pizza, lechon manok at ice cream eh. 

Pag-akyat ko sa kwarto, sabi ko…SURPRISE!!!!!!!!!!!! Happy Birthday Mi!!!!!!!!

Nagulat siya, parang di nya lam ang gagawin nya kaya nag-ayos ayos na lang siya ng higaan habang naririnig ko yung paghikbi nya. Hehehe. Di ko rin napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ayun na! Iyakan na kami.

Saka nya lang napansin yung dala naming handa saka yung dala kong cake. =)

 

   

  

Posted by ryz at 5:11 pm | permalink

Previous Comments

sweetness! =)

Posted by sarah at November 10, 2008, 5:36 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.