Home » Post Item » nung ako ay bata pa..
nung ako ay bata pa..
Thursday, December 25, 2008ang pasko talaga ay para sa mga bata. =)
naalala ko kasi nung mga bata kami, todo ayos pa ang mga damit namin. usually nakasapatos, high socks, nakaribbon or headband pa ang buhok. tapos may maliit kaming bag para sa mga aguinaldo na aming matatangap mula sa aming mga ninong at ninang, mga tita at tita, lolo at lola from both sides of the Gutierrez and Pugay family.
tapos nun, ibibigay namin lahat kay mommy para itago niya sa bangko ang aming mga napamaskuhan.
pero habang lumalaki na, shempre medyo nahihiya na kami magbihis at mag-ikot-ikot sa mga bahay-bahay ng mga kamag-anak namin para mamasko. =p dalaga na eh.. hehe. pero tuwang-tuwa pa rin kami pag may nagbibigay samin ng pera. hehehehe.
nung nagkaron ako ng mga inaanak, mas nahiya nako mamasko. naisip ko nun, ako naman ang magbibigay sa mga ninong at ninang ko kapag nagkatrabaho nako.
december 2006, i remember ng una ako makapamili ng regalo para sa mga inaanak ko. sa 168 mall pa ako nun bumili, para mas marami at makamura. =p ang gusto ko kasi talaga eh yung mabigyan ko ng something yung mga bata. kahit simpleng regalo lang, tapos may kasamang konting pera din.
december 2007, taghirap ata ang end of the year ko. di ako nagkaron ng time para makapamili. =( kaya pera lang ang naibigay ko.
december 2008, kasama ko ang mabait kong bf na si ryan..namili kami paunti-unti ng mga pang-regalo sa mga inaanak ko. pero di pa rin lahat nabilan ko, kaya hinati ko lang at yung iba pera ang binigay ko. shempre mas malaki ngayon kasi malaki namang grasya ang natanggap ko.
at akalain mo yun… kahit malaki nako, may trabaho na at lahat.. kahit papano naambunan pa rin ako ng aguinaldo. yung ninong ko sa Los Angeles lagi nagpapadala yun ng pera. Yung 3k sakin, tapos tig1k naman ung mga kapatid ko. Kasi shempre kelangan ishare…=) Binigyan ko din sila mommy at tatay ng tig-500 para mas masaya..
ebribadi hapi!
Yung isa kapitbahay namin na Ninang ng kapatid ko, binigyan naman ako ng 20 pesos. Nakakahiya nga tanggapin kasi ang laki ko na at may trabaho nako eh. Pero ok lang kasi nakakahiya din naman kung tatanggihan ko, aba.. grasya ito! =)
Maraming Salamat po! Maligayang Pasko sa inyong lahat…=)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


