Home » Archives » February 2009
customer intimacy
Monday, February 16, 2009nung sabado (valentine’s day) ay naging bahagi ako ng isang training para sa customer intimacy ng aming kumpanya. lahat daw ay mag-undergo ng nasabing training. bale, pang-apat na batch ata kami, halos puro pre-sales at project managers ang mga kasabay namin.
masaya naman yung training, AESOD ulet ang nagconduct. and as usual si Clive ang trainor, which is okay din kasi effective siya at mejo comedian pa. kahit nga yung mga old joke nya pa nung Presentation Skills training namin, eh natawa pa rin ako nung sabado. Hehehe.
overall, madami din akong natutunan dun sa training. lalo na about my personality (Rational na may konting pagka-Amiable) at kung pano makikipagdeal sa clients namin based on their own personality style.
eversince naman, before pa nag-attend ng training na to.. sobrang conscious na ako as a CUSTOMER myself. Lalo na pag wala ako sa mood, tapos DI MAGANDA ang service ng isang restaurant or store. Naku.. nagtataray talaga ako at nagrereklamo - Hehehe. Pero minsan lang yan, kasi most of the time, binabalewala ko na lang din. Knowing me kasi, tahimik lang DAW ako. Pero wag nyo antayin na mapuno ako. Naku!!!!
ayun eto kwento ko lang. yung POST-CUSTOMER INTIMACY training experiences ko:
una, sa Ticketnet (SM Makati Branch) - nakakabadtrip lang kasi may topak ata yung system ng ticketnet, kasi nung bibili na kami ng ticket eh nagloloko ang system nila at di sila makapagprint ng ticket. Laging nacclose at kelangan pang irestart yung system. Halos isang oras kami na nag-aantay. At nakakahiya din dahil sobrang haba na rin ng pila sa likod namin. T_T
pangalawa, sa New Bombay (Glorietta), dito kami nagdinner ni Rye para sa aming simleng valentine’s celebration. =) wala naman akong masasabi sa food quality ng restaurant na to kasi, masarap talaga at sulit. Yung manager nga na Indian eh sobrang ma-asikaso. Kaya lang, panira yung isang waitress nila. Grrrrr. Kasalukuyang nag-uusap kasi kami ni rye, kwentuhan at nagshshare ako about my training. Tapos biglan may kamay na humarang sa mukha ko. Inaabot kasi nung waitress dun sa katabi naming table yung BILL nila. Nakakaimbyerna talaga. Di man lang kasi nag-EXCUME ME MAM.
pangatlo, Lotus Spa (Dela Costa), tumawag ako para magpareserve ng massage for two. yung pagsagot pa lang nung BADING ata na nakausap ko eh sablay na. Tapos nung nagtatanong ako about sa services, parang alanganin din siya. Siguro iniisip nya na wala akong pambayad kasi nagtatagalog lang ako. Tapos sabi ko, 6pm yung reservation. Pero pede rin na mas maaga kami dumatin kasi few steps away lang naman sa Trafalgar yun. Sabi nya OK daw pero after 10 minutes daw at wala kami icacancel na nya. Sabi ko, ok fine. Tapos sinabi ko din na tatawag ako for confirmation. Di pa ako tapos magsalita eh, binaba na nya ang telepono. Wala man lang, thank you for calling mam. ANO BANG klase yan.
Yun lang, nashare ko lang. Buti na lang, natawagan ko na din ung Azaya Spa, kahit mejo mahal compared to Lotus. Ok lang at least mabait at magalang naman yung kausap ko. Saka mas malapit kasi katabi lang ng building namin yun eh. Hehehe.
ang dami!
Tuesday, February 10, 2009happy kasi ako ngayon…=)
sobrang kuntento sa mga dumadating na blessings at oppurtunity sa akin. mukhang maganda ang taon na ito ha..^_^
akala ko nga mamalasin ako eh, kasi nung new year di kami ganun nakapagcelebrate saka di ganun kasaya yung new year celebration namin sa bahay.
pero ilang weeks pa lang ang nakakaraan, may mga exciting na mga nangyari.
una, may training agad ako..out of the country..sa Singapore ulet. Pero this time, ako lang mag-isa ang pumunta dun. masaya na malungkot. masaya kasi training yun and nakapasyal ako ulet. malungkot kasi, ako lang mag-isa, wala akong ka-share sa mga moments. may mga nameet naman ako at naging mga kaibigan during the training. parang Ms. United Nations nga eh.. iba-ibang bansa at lahi. ang pinagkaiba lang, ako lang ang candidate na babae. hehehe.
second, nakapag-boracay ako ulet! and this time, may partner na ako..^__^ yiheeee… kasama din ang buong family niya - kasi family vacation talaga nila yun. join lang ako..=)
pangatlo, may mga things ako nabili at natanggap na gustong-gusto ko like yung films para sa baby potski ko, badminton shoes, skirt and shirt, si baby eeyore from Singapore (pinabili ko kay ogie), e51! - bagong fone ko from our company, table mirror - nabili ko sa SM..hehe. kaso lalo ko nakikita na tumataba na talaga ako.
dami di ba… first two months pa lang ng taon..=)
eto pa pala, next week na yung Camsur Trip namin with Sarah, Geof, Armand, Kaye, Liezl & Fiance and Rye.
happy din sa family ngayon… nakakapagbonding kami tuwing weekends dahil sa badminton games namin..=)
si rye ksama ko na din magbadminton.. sarap magpapawis! kelangan na namin maging fit..hehehe.
masaya lang…^__^
boyce avenue live! free concert! wah!
gusto ko manuod nito… manunuod kaya kami? =( wah!
Boyce Avenue
SM Mall of Asia
7pm
February 13, 2009
teka!
Tuesday, February 3, 2009nakakaloka.. wait! timeout muna.. hehehe.
di ko na naman alam gagawin ko.. parang dami kong gagawin eh.. hehehe!
later na ulet.. di ko pa ma-organize yung mga gusto ko i-post eh.=p



