Home » Post Item » bicol trip at iba pa
bicol trip at iba pa
Friday, March 13, 2009mashado na naman akong na-ooverwhelm sa mga bagay-bagay at di ko na naman alam ang mga gusto kong i-blog.
so eto ang mga nangyari ng halos isang buwan kong di pag-uupdate:
February 21-25, 2009 - kasama si Rye (bebe ko), Sarah & Geoff, Liezl & Gilbert, Kaye at Armand ay pumunta kami sa South Eastern part ng Luzon, para tuklasin ang natatagong paraisong tinatawag na Caramoan. =D At hanggang ngayon, di pa rin ako nakakapag-upload ng pictures namin sa multiply at facebook. Pero ganito yung itenerary namin:
February 21
- arrival from Manila to Naga Airport
- shuttle service ride to Sabang Port
- boat ride (2 hours) to Guijalo Port
- shuttle service ride to Rex Tourist Inn
- konting pahinga then lunch then pahinga ulet
- boating and island hopping from 2p to 5pm ( Matungkad or Matukas Island (Da best to!), Homongan Island (Private resort pero we got the chance to have some pics at makapag jetski photo op dahil magaling makipag usap ang tour guide namin na si Kuya Gener, nagpapasalamat din kami sa cousin ni Gov na nagpahiram samin ng mga jetski nila).
- pagbalik sa Rex, konting pahinga, around the world then dinner
- after dinner, konting vodka at charades, then memory game
- 10pm or 11pm tulog na kami sa sobrang pagod
February 22
- breakfast
- boating going to Our Lady of Peace (527 steps paakyat sa Our Lady of Peace, pero naiwan kami ni Rye sa almost 3/4 na trek namin kasi di na maganda ang pakiramdam nya at pagod na din ako. kaya sila sarah, geoff, armand, kaye, liezl & gilbert lang with kuya gener at mga batang taga caramoan lang ang nakarating sa tuktok).
- 2 hours ata kami nagboat para makaabot sa Sandbar island na wala pa daw pangalan kasi kakadiscover lang nila nun. Dun din kami naglunch at nagpicture at nahiga at nagbilad at nagpakasunog.
- pumunta kami sa susunod na island kung saan may nakasetup na mga challenge para Surivivor Argentina/Israel. nagswimmming/snorkeling at nagface & body scrub using the beach sand.
- last stop namin ang Basud Island para magchill habang inaantay ang paglubog ng araw
- bumalik kami sa Rex at inantay ang aming dinner
- nagpahinga at nagPSP, nagbrowse ng mga pictures at natulog na
Februray 23
- Breakfast!!!!
- Ngarag sa pag pack-up at check-out para mahabol ang unang biyahe ng boat papuntang ng sabang port.
- Naghanap ng suvenir (souvenir) sa Centro ngunit kami ay bigo dahil mashado pang maaga at sarado pa ang mga tindahan.
- Pumunta kami sa Church ng Caramoan at nagpicture. Nagdasal para sa aming safe trip pabalik ng Naga.
- Di na kami nagkasya sa first trip dahil mejo nalate kami ng dating kaya 2nd trip na lang kami sa boat pabalik ng Sabang
- Pagdating ng Sabang, nakakaloka ang pagbuhat samin para makababa ng boat at makapuntang pampang.
- shuttle ride from Sabang to Naga papuntang Sampaguita Inn
- Nagcheck in at konting pahinga then lunch sa KFC bago pumuntang CWC
- parang amazing race ang tryk ride at bus ride (sobrang bagal) then trike ride ulet papuntang CWC
- First nagtry mag kneeboard sila Liezl, Gilbert, Armad & Kaye
- Nagdecide din kami na magstay dito sa CWC (instead of 1 night sa Legaspi)
- Dinner sa Biggs Diner
- Tulog na!
February 24
- nauna umuwi sila Liezl & Gilbert at Armand dahil may mga commitments sila sa work
- Breakfast sa Jolibee, bumili ng pasalubong sa bazaar
- then check-out at pumunta ulet kami sa CWC
- ngayon may shuttle service na kami sa CWC (sobrang accomodating sila) at nag-check in kami sa Eco Village
- this is it! at nagtry na kami magkneeboard ni Rye, Sarah & Geoff, and si Kaye ulet.
- Bumalik sa hotel para ilagay ang mga gamit sa aming pavillion.
- Bumalik ulet sa CWC para magswimming at magchill (Tinry namin ang Bicolano Pasta nila - Laing at Bico Express Pizza)
- Dinner sa hotel at nagpahinga na
February 25
- check out sa eco village
- bus ride to Legaspi City
- pumunta sa Cagsawa Church Ruins
- dito na din kami naglunch at bumili ng pasalubong
- then jeepney ride to Legaspi Airport
Pagbalik ko ng office ako ay isang ganap na negra na..hehehe.
Nagsimula na din maglipatan ng gamit kasi maiiba na ang workspace namin.
Kinakarir na rin namin ni Rye ang pag-GYM.
Nagstart na kami bumili kahapon ng mga healthy food/snacks.
At ngayon, itutuloy na ulet namin ang paglalaro ng Badminton.
=)
Ayun naman.. ang bilis ng araw eh. Kalagitnaan na agad ng March!
Previous Comments
Hehe at dahil sa aming paglaway sa iyong tiyan..ikaw ay gumaling! hehehe.
Posted by ryz at March 13, 2009, 5:26 pm



add ko lang sa Feb 24 ng gabi:
Ako’y sumakit ang tiyan at nagsuka, hindi tuloy ako nakakain ng dinner. Isa sa inyong apat ay nakabati sa akin. “Pwera usog” Ayun nanghingi tuloy ako ng mga laway nyo at pahid sa akin tiyan. Hahaha!
Posted by sarah at March 13, 2009, 3:40 pm