Sponsored Links

taralets!

plurk.com/ryz17

purple

kumustahan

kei:

oi ano yan, ha? =D

Mcoy:

elo mama reese.. padaan. hihihi

larz:

isa rin akong avid fan mo. haha. lol. hmmn.. sana matuloy ang training mo! goodluck sis!

ryz:

@larz & jax aba! aba nagbabasa pala kayo nito ha. =p

adik talaga ako!

larz_jax:

ate, ang arte ng blog mu. haha. ang drama. joke. pis tau.. yeah! gling mo na mgphoto shop, karerin! tska ung monster hunter, wg maxdo maadik. pula na mata mu! hahaha. tik kir always. love yah. :)

ryz:

@XzbeaT sa glorietta 4 papuntang SM po or sa Timezone G4. Hehehe!

XzbeaT:

ate san ka nag tetekken?
hehe, bka nkikita na kita.

XzbeaT:

moonchild ikaw yan PW?
padaan lng.

ryz:

thanks drew! keep on posting ha.. :)

Drew03:

nice work on your blog expreesing all your feelings that you have in your mind and soul keepit up just reach all your goals and be preapared always . . . PinoyPSP

ryz:

@Lucian uu.. comment ka ha.:)

@Moonchild thanks. gawa ka rin dito sa i.ph.

@RyE thanks baby!

RyE:

Iba talaga pag may potensyal. Hehe. “Modeling is Vanity” :D

Moonchild:

nice blog reese.. nainggit ako.. gawa rin kaya ako dito.. may blog na ko sa friendster pero prang gusto ko ilipat haha.. =P

Lucian19:

may blog ka pla sis. nice!!

ryz:

@bhe thanks..=)

RyE:

ako po nagbabasa ng blog mo… ^____^

ryz:

wala bang nagbabasa ng blog ko? T_T

clawid:

Hi ryz.. just dropping by.. Are you a new blogger? Just enjoy blogging.. were the same I’m also a new blogger..

junelle:

Favor: Please vote for intiendes @ http://intiendes.com

ryz:

hi AD! salamat po..;)

Leave a message ▼

Mainit ang Ulo ni Ma’am!

Thursday, April 30, 2009

Kahapon (Miyerkules), nung bibili ako ng bagel with cream cheese sa CountryStyle..napansin ko yung wheat bread nila dun sa ibabaw ng counter. Ginagamit nila yun sa mga sandwiches nila. Nagtanong ako kung nagbebenta ba sila ng isang loaf.

Sabi ni Rose (aka the Manager who-knows-it-all), oo daw. Pwede naman daw silang mag-order ng extra para sakin. 61 pesos daw. Sabi ko OKay. OKay lang kasi ngayon pa naman yung sweldo at wala naman na akong pera kahapon. Sabi ko sige bukas na lang. 

Sinabi ko pa sa kanya bago ako umalis na, “Tandaan mo ha..”

Sabi nya, “Opo Ma’am”

So kampante naman ako na ngayong araw na to eh makakabili ako nung wheat bread nila. Kasi balak kong bumili na lang ng palaman, para makatipid pag breakfast or lunch.

Di ako nakadaan nung umaga kanina kasi late na ako at dami ko na ginagawa. So ngayong hapon, after ko pumasa dun sa exam. Sabi ko daan nga ako sa countrystyle, treat ko naman sarili ko. Saka para makuha ko na din ung wheat bread, baka sabihin nila kasi nag-order-order ako tapos di ko sisiputin.

Kahapon din kasi, nagparinig yung impaktang manager na yun na MERON DAW silang isang customer na umorder din dati ng doughnuts tapos di naman binalikan.

So eto nga, pumunta ako dun ngayon, bago ako magwithdraw. At nung tinanong ko yung nasa counter, sinabi sakin na wala naman daw inendorse sa kanila. SO BADTRIP NAKO DIBA!

Umalis ako at nagwithdraw muna. Pagkabalik ko bumili na rin ako ng walnut chocolate ruler, gutom na ako eh. Yayain ko sana si ryan, mukhang busy siya, kaya ok lang. magkakape na lang ako sana.

Mejo nagtaray na ako dun sa countrystyle habang kinukwento ko sa kanila yung sinabi sakin ng manager nila. Tapos nung pasakay na ko ng elevator, medyo narinig ko, parang may nagsabi ng, “Mainit ata ulo ni Ma’am…”

Posted by ryz at 3:54 pm | permalink | Add comment

kape-rahan

Wednesday, April 29, 2009

bukas sweldo na ulit. at pagkawithdraw ko nun, mapupunta na naman sila kanya-kanyang envelope. para sa savings, paluwagan, sa lupa, at iba pang babayarin. ngayon pa lang, nagcompute ako ulit kasi may mga nadagdag sa babayaran. =(

  

sa aking kompyutasyon, sa dadating na sweldo bukas at sa susunod, sobrang laking pera ang kelangan kong ilabas. at kung papalarin, sa katapusan pa ng May ako makakahinga ng maluwag. Sana din, dumating na ang komisyon ngayong Mayo.

medyo mahirap talaga ngayon. di naman namin magawa yung mga napapag-usapan na paghihigpit kasi ewan ko. wala pa kaming disiplina. T_T

medyo kaya pa naman, buti na lang talaga nagkaron ako ng increase nung january. pero todo bawas sa mga ibang bagay like:

  • di ko magawa magpapedicure/manicure
  • magpamasahe
  • mamilli ng toiletries (meron pa naman kaya baka sa end of May na lang)
  • mamili ng groceries (pambaon or snacks sa office)
  • makabili ng office clothes (kelangan ko na talaga ng pants at blouses)

mga konting sakripisyo…para sa future! aja reese!

Posted by ryz at 11:28 am | permalink | Add comment

di na maganda to - PASSPORT CLAIMING HASSLE SOBRA!

Monday, April 20, 2009

Actually, di na maganda to! Nagpost ako before about the steps on how to process your passport renewal. Yeah.. madali lang talaga ang process ng pag-renew. Eto pala ang bulok at mahirap.. ang pag-claim!!!!!!

 

http://dfa.gov.ph/?p=4307  -> 

DFA Announces Temporary Delay in Some Passport Releases

 Rye processed the renewal of his passport last April 1, 2009. He opt for the express processing which is 750 pesos (7 days processing)  because we are hoping to get it immediately to process some documents we need. He was advised that he will be getting it by April 15 because the following week has only 2 work days (fine). Then comes April 15 (Wednesday), he went to DFA only to find out that they cannot release yet his passport because of some TECHNICAL difficulties. Many people from very far places are waiting since April 13(Monday) for their passports to be release on that week. At the gate 2 of DFA, they were give a piece of paper (signed by some officer of DFA who’s name is not even printed on that paper) telling them that their passport will be release on the 17th. We went their again on the 18th(Saturday) but they are already closed (half day schedule only during Saturdays). Posted on the walls outside gate 2 is another notice that the passports that should have been released that week will be re-scheduled again for the another date which is April 21 (Tuesday). Again… the reason is Technical Difficulties.

Rye went to DFA, the day after his scheduled release that is supposed to be on the 17th because he wanted to make sure that he will be able to get his passport. And not WASTE any more MONEY & TIME. Unfortunately, he still won’t be able to get his passport until when? We don’t know. We don’t trust the notice on the wall, we don’t trust the public announcement on their website. We can’t even call their hotline.

On that piece of crap (i mean, paper) that they gave, is a DFA Hotline for the passport claiming. 8344000 local 4270. Try calling this number and the operator will just tell you over and over again that the LINE IS BUSY.

 

So how can we know that the passport is ready for pick-up already? Do we still need to go to DFA every now and then….JUST TO CHECK it!

This only shows how CRAPPY our system and processes are. GAAAAAHHHHD..i’m pissed.

Posted by ryz at 11:14 am | permalink | comments[1]

nawawala si eeyore ko!

Tuesday, April 7, 2009

10″x12″ head shape eeyore pillow

 (photo from dakkipillow.com)
 
 hay matagal-tagal na din. sa sobrang tagal nitong nawawala sa upuan ko, nakalimutan ko ng hanapin. nung una, upuan lang ang malimit mawala dito. pag walang jacket na nakasabit, asahan mo na, kinabukasan wala na ang upuan mo.
 
nabadtrip ako nung isang araw nun kasi pagdating ko, wala pati yung eeyore na pillow ko. =( unang na ngang nawala si Po (happy meal toy sa mcdo from the Kung Fu Panda movie). may nakapagsabi sakin kung sino (o kaninong anak yung nakadampot) pero nahihiya naman akong usisain, eh pano kung mali yung tip sakin. nakakahiya naman diba.
 
hay, parang late last year pa ata nawawala tong pillow ko na to eh.  =(
 
ngayon lang (april 7, 2009), mga bandang ala-tres ng hapon, habang naglalakad ako papuntang pantry. may napansin ako sa isang cubicle na sobrang malayo sa area ko dati. nakita ko yung eksaktong-eksaktong EEYORE pillow na nawawala sakin. hay, kaya lang.. nahihiya naman akong tanungin yung nakaupo dun. di naman kasi kami close. saka pano kung sa kanya talaga yun..
 
pero ewan ko lang. may lukso talaga ng dugo nung makita yung pillow. feeling ko yun ang nawawala kong eeyore pillow….=(
Posted by ryz at 3:45 pm | permalink | Add comment

ooopportunities

Friday, April 3, 2009

lahat gusto ay maging successful. lahat gusto yumaman. lahat gusto ng career growth.

pano kung merong mga opportunities diyan? go ka ba? go ba ako? eh ang tanong, ready na ba ako?

yung isa gusto ko talaga, kasi yun ang tingin kong right track para sa work ko ngayon. pero hindi naman ako sinusuportohan ng ibang tao. feeling kaya nila di ko kaya? o may iba silang  gusto para sa position na yun?

yung isa gusto ko din, mas malaki ang kita dun eh. lalo na ngayon, kelangan ko talaga ng mas malaking income.

kelan ba ang tamang pagkakataon para sa isang career move? nagtry na ako mag-attempt nito last year. pero di naman din natuloy. di rin ako sinuportahan eh. 

meron din sumunod dun pero di ko naman pinagpatuloy kasi mashadong malayo pero sa totoo lang, mas yayaman talaga ako dun.

gusto ko lang talaga ng growth… habang ganito bata pa ako. mabilis na kasi ang panahon eh. ayokong forever na ganito lang, gusto ko din ng ibang challenge. di pa kasi ako nahahasang mabuti eh. sabog-sabog lahat. walang focus. 

gusto ko din yumaman. di man agad, pero paunti-unti. pero gusto ko sa lalong madaling panahon.

Posted by ryz at 2:23 pm | permalink | Add comment

mainit na mani ni manong

minsan, yung mga simpleng hirit, simpleng tao at mga simpleng pagkakataon ang nakakapagbigay ng kaligayahan sa atin. 

kung ikaw ay madalas sumakay sa mga bus sa Ayala MRT station, malamang ay nabibwisit ka na at naiirita sa ingay ng mga busina ng mga bus (minsan pa eto ang maririnig mo “FIRE! FIRE! FIRE! CHUG CHUG CHUG!!!!”, paulit-ulit yan hehe). o kaya naman, mahihilo ka sa init lalo na pag-rush hour na. mahihimatay ka din sa baho ng mga pader, dahil sa amoy ng ihi at sari-saring amoy na di mo alam kung saan nanggagaling. nag-aantay ka pa lang nyan ha…

pagpasok mo naman sa bus, minsan nakakairita din yung mga nagtitinda sa loob (alam kong naghahanap-buhay lang sila pero minsan may mga kalokohan din kasi eh). may isang nagtitinda ng dyaryo nun, isipin mo sobrang late na at pilit nyang pinapabasa sayo ang isang tabloid na dyaryong dala nya pagkatapos ay sisingilin ka nya. pipilitin ka talaga. kung di ka aware, eh mapapabili ka talaga. kainis diba.

NGUNIT AT DATAPWAT may mga ganitong eksena sa loob at labas ng bus, meron namang natatanging Tindero ng Mani ang namumukod tangi talaga. Ilang beses ko pa lang siya nakikita sa bus pero naikekwento na rin sakin ni Rye si Manong dahil mas madalas nya yun nun nakikita pag siya ay pauwi na. 

Pagkaunti lang ang pasahero, dun lang siya umaakyat sa bus. Di katulad ng iba eh halos makikipagsisikan din sa mga pasahero. 

Nakakatuwa at nakakatawa kasi ang mga dialogue nya sa pagtitinda. 

“Mani..mani.. mainit yan ho..iwas lang po ang mga kamay.. sobrang init nito.”

“Mani..mani..mani..wala pong betsin to, kaunting iodized salt lang po. ang iodized salt po ay mainam sa mga goiter at iba pang sakit… Mani..mani po..mainit to. iwas lang po ang mga braso nyo…”

“Mani po…ano pong gusto nyo? mas madaming bawang o mas madaming mani? yung iba po kasi mas gusto ang mas madami ang bawang.. Alam nyo po ba, mainam po ang bawang sa mga sakit lalo na sa mga senior diyan..”

“Mani..mani po..magkano po mam? Sampu o Bente?? Mabuti po ang mga mani sa mga bata pampatalino, pag-Bente po mas madaming medals, pag-Sampu..kaunti lang…”

 

Hehe..napa-ISMAYL talaga ako diyan. Napahagikgik din ako. Medyo napalakas nga eh..nagtinginan ang mga tao. =p Pero natawa din sila dahil bentang-benta talaga si Manong. Bentang-benta din ang tinda nyang mani, madami kayang bumili.

Kulit diba? Potensyalin si Manong maging komidyante. Potensalyin din na Salesman.=)

Posted by ryz at 9:47 am | permalink | Add comment

Philippine Passport Renewal Step by Step Guide and Tips

Thursday, April 2, 2009

Ito ay base sa naging karanasan ni Ryan sa pag-asikaso nya ng kanyang passport kahapon.

Lugar: Department of Foreign Affairs, Libertad, Pasay (malapit sa Cuneta Astrodome)

Babala: Mag-ingat sa mga “FIXERS” o mga taong nanghaharang sa labas ng DFA. sa magkabilang kanto ng libertad ay mga naka-abang ng mga FIXERS. Karamihan sa kanila ay naka-polo pa at ID. Pero wag magpaloko sa mga yun dahil dadalin ka lang nila sa ibang gate or ibang lugar para pikyturan at bigyan ng APPLICATION FORM (na kelangan mo daw bayaran NGUNIT ito ay LIBRE NAMAN SA LOOB AT pedeng idownload sa website ng DFA).

NAIIINIS AKO: Dahil hindi ako pinapasok sa loob at wala naman daw akong “business”  dun, nagdrama pa ako sa mga guard pero di umepekto. Lalo na dun sa epal na lady guard. Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho ngunit nakakainis dahil di naman lahat eh SINISITA nila.Kaya sa sama ng loob ko, naglakad-lakad na lang ako sa may HK Sun Plaza at nagpa-manicure/pedicure! Hehehe! =p

ETO NA PO ANG GUIDE PARA SA AKING MGA KABABAYANG PILIPINO:

  1. Ayun nga sa aking babala (pakibasa po ulit ang nasa itaas). Iwasan ang mga FIXERS. Wag makipag EYE to EYE contact sa kanila. Diretso ka lang sa GATE 2. Wag ka ng magtanong-tanong pa sa ibang tao maliban sa mga UNIPORMADONG GUARD na nasa may Gate. Nakalagay naman dun na dun ang Entrance. AT DUN ka lang pumasok. Ichecheck nila ang bag mo (buksan mo na habang nasa pila ka pa, dahil medyo maiirita sayo ang mga guard lalo na yung babae). Ilabas mo na din ang mga dalang mong REQUIREMENTS para wala ng tanong-tanong.
  2. Para sa RENEWAL at NEW APPLICATION, dumiretso sa Basketball Court.  Bago pumila, siguraduhin na kumpleto ang iyong requirements. Kumuha muna ng application form sa guard o di kaya mas magandang nadownload mo na to at na-sulatan  bago ka pa pumunta para di na hassle. I-paste ang isang Passport ID picture sa form na iyon. At ang natitirang 2 ay ilagay sa isang maliit na plastic at i-Stapler sa form. May area dun para malagyan mo ng thumbmark ang iyong form. Pagkatapos ay pumila ka na for initial verification ng iyong Application Form.
  3. Pagkatapos nun ay pupunta ka sa Gate 3, para i-verify naman ang iyong mga dalang document or requirements pati ang iyong records sa nasabing passport.
  4. Pagkatapos ma-verify ang iyong mga requirements at form ay dumiretso ka na sa bakanteng counter. Sa counte na ito ay hihingin ang iyong OLD passport, at photocopy ng pages 1 and 2, at back pages (siguraduhin na may photocopy ka na ng mga ito bago ka pa pumunta para maiwasan ang delays). Tatanungin ka dun at papipliin kung 750 pesos (para sa 7 days na process) or 500 pesos (para sa 15 days na process). Dito ay bibigyan ka ng resibo at papuntahin ka ng auditorium.
  5. Sa auditorium, pumila at magbayad sa cashier (dito mo ibibigay ang resibo kung saan nakalagay ang napili mong processing fee).
  6. Pumila ulit sa loob ng auditorium, dito ay i-veverify ang iyong mga details. Ito ang pinaka-importanteng step dahil kailangan mong siguraduhin na TAMA lahat ng nakasulat sa iyong form. Ito na kasi ang i-eencode nila sa iyong record at NEW passport.
  7. Kapag OK na lahat ng details mo. Papipirmahin ka na at bibigyan ka ng Schedule kung kailang maaaring ma-pick up ang iyong NEW passport. (Itago ang iyong claiming receipt).

Mabilis lang naman ang process ng pag-RENEW or pag-APPLY ng passport.  Lalo na kung alam mo ang mga tamang steps at kumpleto lahat ng iyong requirements pagpunta mo ng DFA.  May kahabaan lang ng pila sa ibang mga steps pero sa kabubuuan, mabilis lang naman. Lalo na at walang mga pasaway.

At muli, mag-ingat at umiwas sa mga fixers! =)

LINKS:

Passport Renewal & NEW Application REQUIREMENTS & DETAILS from DFA website HERE.

Passport Renewal & NEW Application FORM from DFA website HERE.

Side Entrance (Gate 2) of DFA, Libertad, Pasay City from wikimapia HERE.

Posted by ryz at 9:06 am | permalink | comments[19]