taralets!

plurk.com/ryz17

purple

kumustahan

kei:

oi ano yan, ha? =D

Mcoy:

elo mama reese.. padaan. hihihi

larz:

isa rin akong avid fan mo. haha. lol. hmmn.. sana matuloy ang training mo! goodluck sis!

ryz:

@larz & jax aba! aba nagbabasa pala kayo nito ha. =p

adik talaga ako!

larz_jax:

ate, ang arte ng blog mu. haha. ang drama. joke. pis tau.. yeah! gling mo na mgphoto shop, karerin! tska ung monster hunter, wg maxdo maadik. pula na mata mu! hahaha. tik kir always. love yah. :)

ryz:

@XzbeaT sa glorietta 4 papuntang SM po or sa Timezone G4. Hehehe!

XzbeaT:

ate san ka nag tetekken?
hehe, bka nkikita na kita.

XzbeaT:

moonchild ikaw yan PW?
padaan lng.

ryz:

thanks drew! keep on posting ha.. :)

Drew03:

nice work on your blog expreesing all your feelings that you have in your mind and soul keepit up just reach all your goals and be preapared always . . . PinoyPSP

ryz:

@Lucian uu.. comment ka ha.:)

@Moonchild thanks. gawa ka rin dito sa i.ph.

@RyE thanks baby!

RyE:

Iba talaga pag may potensyal. Hehe. “Modeling is Vanity” :D

Moonchild:

nice blog reese.. nainggit ako.. gawa rin kaya ako dito.. may blog na ko sa friendster pero prang gusto ko ilipat haha.. =P

Lucian19:

may blog ka pla sis. nice!!

ryz:

@bhe thanks..=)

RyE:

ako po nagbabasa ng blog mo… ^____^

ryz:

wala bang nagbabasa ng blog ko? T_T

clawid:

Hi ryz.. just dropping by.. Are you a new blogger? Just enjoy blogging.. were the same I’m also a new blogger..

junelle:

Favor: Please vote for intiendes @ http://intiendes.com

ryz:

hi AD! salamat po..;)

Leave a message ▼

Philippine Passport Renewal Step by Step Guide and Tips

Thursday, April 2, 2009

Ito ay base sa naging karanasan ni Ryan sa pag-asikaso nya ng kanyang passport kahapon.

Lugar: Department of Foreign Affairs, Libertad, Pasay (malapit sa Cuneta Astrodome)

Babala: Mag-ingat sa mga “FIXERS” o mga taong nanghaharang sa labas ng DFA. sa magkabilang kanto ng libertad ay mga naka-abang ng mga FIXERS. Karamihan sa kanila ay naka-polo pa at ID. Pero wag magpaloko sa mga yun dahil dadalin ka lang nila sa ibang gate or ibang lugar para pikyturan at bigyan ng APPLICATION FORM (na kelangan mo daw bayaran NGUNIT ito ay LIBRE NAMAN SA LOOB AT pedeng idownload sa website ng DFA).

NAIIINIS AKO: Dahil hindi ako pinapasok sa loob at wala naman daw akong “business”  dun, nagdrama pa ako sa mga guard pero di umepekto. Lalo na dun sa epal na lady guard. Naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho ngunit nakakainis dahil di naman lahat eh SINISITA nila.Kaya sa sama ng loob ko, naglakad-lakad na lang ako sa may HK Sun Plaza at nagpa-manicure/pedicure! Hehehe! =p

ETO NA PO ANG GUIDE PARA SA AKING MGA KABABAYANG PILIPINO:

  1. Ayun nga sa aking babala (pakibasa po ulit ang nasa itaas). Iwasan ang mga FIXERS. Wag makipag EYE to EYE contact sa kanila. Diretso ka lang sa GATE 2. Wag ka ng magtanong-tanong pa sa ibang tao maliban sa mga UNIPORMADONG GUARD na nasa may Gate. Nakalagay naman dun na dun ang Entrance. AT DUN ka lang pumasok. Ichecheck nila ang bag mo (buksan mo na habang nasa pila ka pa, dahil medyo maiirita sayo ang mga guard lalo na yung babae). Ilabas mo na din ang mga dalang mong REQUIREMENTS para wala ng tanong-tanong.
  2. Para sa RENEWAL at NEW APPLICATION, dumiretso sa Basketball Court.  Bago pumila, siguraduhin na kumpleto ang iyong requirements. Kumuha muna ng application form sa guard o di kaya mas magandang nadownload mo na to at na-sulatan  bago ka pa pumunta para di na hassle. I-paste ang isang Passport ID picture sa form na iyon. At ang natitirang 2 ay ilagay sa isang maliit na plastic at i-Stapler sa form. May area dun para malagyan mo ng thumbmark ang iyong form. Pagkatapos ay pumila ka na for initial verification ng iyong Application Form.
  3. Pagkatapos nun ay pupunta ka sa Gate 3, para i-verify naman ang iyong mga dalang document or requirements pati ang iyong records sa nasabing passport.
  4. Pagkatapos ma-verify ang iyong mga requirements at form ay dumiretso ka na sa bakanteng counter. Sa counte na ito ay hihingin ang iyong OLD passport, at photocopy ng pages 1 and 2, at back pages (siguraduhin na may photocopy ka na ng mga ito bago ka pa pumunta para maiwasan ang delays). Tatanungin ka dun at papipliin kung 750 pesos (para sa 7 days na process) or 500 pesos (para sa 15 days na process). Dito ay bibigyan ka ng resibo at papuntahin ka ng auditorium.
  5. Sa auditorium, pumila at magbayad sa cashier (dito mo ibibigay ang resibo kung saan nakalagay ang napili mong processing fee).
  6. Pumila ulit sa loob ng auditorium, dito ay i-veverify ang iyong mga details. Ito ang pinaka-importanteng step dahil kailangan mong siguraduhin na TAMA lahat ng nakasulat sa iyong form. Ito na kasi ang i-eencode nila sa iyong record at NEW passport.
  7. Kapag OK na lahat ng details mo. Papipirmahin ka na at bibigyan ka ng Schedule kung kailang maaaring ma-pick up ang iyong NEW passport. (Itago ang iyong claiming receipt).

Mabilis lang naman ang process ng pag-RENEW or pag-APPLY ng passport.  Lalo na kung alam mo ang mga tamang steps at kumpleto lahat ng iyong requirements pagpunta mo ng DFA.  May kahabaan lang ng pila sa ibang mga steps pero sa kabubuuan, mabilis lang naman. Lalo na at walang mga pasaway.

At muli, mag-ingat at umiwas sa mga fixers! =)

LINKS:

Passport Renewal & NEW Application REQUIREMENTS & DETAILS from DFA website HERE.

Passport Renewal & NEW Application FORM from DFA website HERE.

Side Entrance (Gate 2) of DFA, Libertad, Pasay City from wikimapia HERE.

Posted by ryz at 9:06 am | permalink

Previous Comments

hi thnx sa idea na share mo sis . am plannin to renew this friday. sna accept na lng agad ang application ko , some says na anu daw kasi if punta ka dun they will just give you an appointment date then balik kpa . then yun appointment dun mo maisusubmit ang application papers mo . so medyo matagal daw po . need an expedite processing sa tingin mo makukuha ko w/ in aweek lng sis? thnx

Posted by bie at April 23, 2009, 2:54 am

hi bie..=) glad to help po.. yung appointment na yun is kung via agency ka mag-aaply. pero pede mo naman lakarin on that day lang lahat. yung schedule na ibibigay nila is for CLAIMING. dun kami nahirapan. =( kasi they say na may technical difficulties daw sa system nila for printing the passport. ayun so i hope when u renew, okay na din yung system nila. we are planning to go there again tomorrow (Friday), and hopefully makuha na ng bf ko yung passport nya.

Posted by ryz at April 23, 2009, 10:00 am

oic. thnx sa info ha, yea am going there also tomorrow biyahe pa ko all the way from dagupan city pa, kasi am hoping na mas mabilis ang processing d2 compared sa regional office nila sa la union sna makuha ko by 7 to 10 days or mas lesser kasi badly need the passport badly na kc. thnx gudluck sna makuha nyo na din passport ng bf mo sis . thnx n god bless po.

Posted by bie at April 23, 2009, 8:55 pm

hi sis , been n dfa mla knina, around 630am dun na kp, aga mdami na tao, yap tma ka madali lng basta complete mo na lhat reuirements. tyaga lng tlga sa pagpila pero if aga ka punta syempre aga k din mttpos. by may 7,08 release ng passport k. yea tlga beware of fixers . thnx much n god bless:)

Posted by bie at April 24, 2009, 8:32 pm

sis nagdowload aq 2day. naklagay dun date of pick up 24 june. persnal apprance 26 june delivery 09 jul . ano ba ung pipickupen q? for renewal lang aq. ty. salamat sa warning u about sa fixers

Posted by imelda francisco at June 23, 2009, 12:45 pm

@imelda online renewal ba yan? pick-up nila yung required documents mo on June 24 (passport picture, yung photocopy ng passport, etc). then june 26, will be your personal appearance sa DFA. july 9 nila idedeliver sayo ang new passport mo..:)

Posted by ryz at June 23, 2009, 4:04 pm

I just renewed my passport kanina and took me around 30 minutes to complete the process :)

Before I went sa DFA, nagpa online appointment na ko. I applied Monday night, got the email confirmation Tues morning and I’m scheduled for renewal ng Wed morning :)

Online appointment link:
http://dfa.gov.ph/form/app3/index.html

Less hassle, just arrive on time!

Posted by dee at June 24, 2009, 8:18 pm

Hi!I have appearance this Monday.Maybe you can help me pano pumunta sa DFA gate 3 ,libertad st.I’m from quezon city kasi..thanks!

Posted by smyle at August 8, 2009, 10:44 am

@smyle i suggest take the MRT to Taft. I think may jeep na dadaan ng libertad street from Baclaran.

or kung galing ka LRT, baba ka ng Buendia Station then konting lakad papuntang Leveriza, may mga jeep dun na going to Libertad and Cartimar, i think. :)

Posted by ryz at August 8, 2009, 10:20 pm

Hi I have a concern and I’m not sure really what to do, I went to the DFA and did everything that you said. But after I went to the auditorium and gave my fingerprints I left. I did not receive any receipt or time as to when to pick up my passport. Is the receipt you are talking about the one that we received after we made payments for a new passport? If so, what should you do if you lost the receipt?
But regardless thank you for your help! Your procedure is much more convenient!

Posted by Victoria at September 22, 2009, 6:11 pm

@victoria
yung receipt po yung nakukuha sa loob ng basketball court dun sa may verification (see step 4).

Posted by RyE at September 23, 2009, 5:42 pm

I actually did receive the receipt but i misplaced it. Do you know if I will still be able to pick up my passport without the receipt? Or if I have to go through any other procedures?

And thank you so much for your help!

Posted by Victoria at September 24, 2009, 12:35 pm

nice tips! oo nga kakainis yung mga manlolokong naka abang sa may gate ng dfa. at pinababayaan lang sila ng mga guard at ng dfa! imposible namang di nila alam yung mga raket sa labas.

Posted by ron at October 19, 2009, 1:06 am

thank you! ang laking tulong nito.

Posted by edison at December 8, 2009, 1:44 pm

glad to help..:)

Posted by ryz at February 1, 2010, 5:36 pm

wow salamat!

Posted by bimbim at February 17, 2010, 5:00 pm

super thank you dito. informative. :)

Posted by adber at February 18, 2010, 10:35 am

galing! very well detailed ang mga sinabi mo at very personal. talagang isinama mo pa dito ang manicure slash pedicure slash himutok ng puso slash irap mata? hahaha. anyway. … thanks talaga for the info. sana makakuha ako asap :-) thanks!!! - boy tumbling of cardio boys

Posted by boy tumbling at March 2, 2010, 11:45 am

@boy tumbling your welcome..hihihi..natouch naman ako..yiheeee..cardio boys i like! :)

Posted by ryz at March 3, 2010, 2:49 pm

Add a comment