nawawala si eeyore ko!

Tuesday, April 7, 2009

10″x12″ head shape eeyore pillow

 (photo from dakkipillow.com)
 
 hay matagal-tagal na din. sa sobrang tagal nitong nawawala sa upuan ko, nakalimutan ko ng hanapin. nung una, upuan lang ang malimit mawala dito. pag walang jacket na nakasabit, asahan mo na, kinabukasan wala na ang upuan mo.
 
nabadtrip ako nung isang araw nun kasi pagdating ko, wala pati yung eeyore na pillow ko. =( unang na ngang nawala si Po (happy meal toy sa mcdo from the Kung Fu Panda movie). may nakapagsabi sakin kung sino (o kaninong anak yung nakadampot) pero nahihiya naman akong usisain, eh pano kung mali yung tip sakin. nakakahiya naman diba.
 
hay, parang late last year pa ata nawawala tong pillow ko na to eh.  =(
 
ngayon lang (april 7, 2009), mga bandang ala-tres ng hapon, habang naglalakad ako papuntang pantry. may napansin ako sa isang cubicle na sobrang malayo sa area ko dati. nakita ko yung eksaktong-eksaktong EEYORE pillow na nawawala sakin. hay, kaya lang.. nahihiya naman akong tanungin yung nakaupo dun. di naman kasi kami close. saka pano kung sa kanya talaga yun..
 
pero ewan ko lang. may lukso talaga ng dugo nung makita yung pillow. feeling ko yun ang nawawala kong eeyore pillow….=(
Posted by ryz at 3:45 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.