kape-rahan

Wednesday, April 29, 2009

bukas sweldo na ulit. at pagkawithdraw ko nun, mapupunta na naman sila kanya-kanyang envelope. para sa savings, paluwagan, sa lupa, at iba pang babayarin. ngayon pa lang, nagcompute ako ulit kasi may mga nadagdag sa babayaran. =(

  

sa aking kompyutasyon, sa dadating na sweldo bukas at sa susunod, sobrang laking pera ang kelangan kong ilabas. at kung papalarin, sa katapusan pa ng May ako makakahinga ng maluwag. Sana din, dumating na ang komisyon ngayong Mayo.

medyo mahirap talaga ngayon. di naman namin magawa yung mga napapag-usapan na paghihigpit kasi ewan ko. wala pa kaming disiplina. T_T

medyo kaya pa naman, buti na lang talaga nagkaron ako ng increase nung january. pero todo bawas sa mga ibang bagay like:

  • di ko magawa magpapedicure/manicure
  • magpamasahe
  • mamilli ng toiletries (meron pa naman kaya baka sa end of May na lang)
  • mamili ng groceries (pambaon or snacks sa office)
  • makabili ng office clothes (kelangan ko na talaga ng pants at blouses)

mga konting sakripisyo…para sa future! aja reese!

Posted by ryz at 11:28 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.