Home » Post Item » namiss ko to
namiss ko to
Friday, June 5, 2009naku isang buwan na naman akong walang post sa blog ko. =( ayoko namang iwan to.
yung photoblog ko, yung project 365. di ko din ma-update. naging busy kasi talaga sa work.
kung makikita nyo yung desk calendar ko, mejo madami akong activities nung april at may. may mga bagong POC, bagong product, meetings, may training, at kung ano-ano pa.
at ngayong June, kanina lang napansin ko na for next week, may naisulat na din akong schedule.
medyo busy din sa facebook..hehehe. nakalimutan ko na nga mag-update ng multiply ko eh para sa mga pictures, lalo na yung sa caramoan adventure. wala pa akong post dun sa multiply.
naaliw lang ako ngayon sa mga games/apps ng facebook. pampalipas oras talaga - mafia wars, barn buddy, happy farm at farm town, yung restaurant city at pet society di na siya mashadong priority. pero as usual pag tinamad na naman ako, mapapabayaan ko din yung iba. Hehehe.
nakakatamad din ang panahon ngayon, maulan. nakakatamad lumabas.
nahihirapan din ako kumain kasi may singaw na naman ako. ganito lagi pag malapit nako magkaron, singaw at pimples galore!
palagi tuloy ako sinisikmura, lagi nalilipasan ng gutom…
sa work, mejo nabuburn-out nako. sobrang dami na kasing products na kelangan pag-aralan. akala nga nila, pa-easy-easy lang kami.
ayun lang..sa ngayon. gusto ko lang makapag-unwind, matulog ng matagal at bumalik ulit ang appetite ko.




