alay lakad

Tuesday, June 30, 2009

 

Nag-alarm ako ng 6am kanina para makapagstart na sa aking morning walk/jogging exercise. Gusto ko na talagang gawin to araw-araw. Pero mga 6:10 na ata ako bumangon at nag-ready para lumabas. Di kasi ako makatulog ng maayo kagabi, sobrang init. Kulang na ata ang isang electric fan para sa amin ni Ma’am Des. Kelangan ko na bumili ng sarili kong electric fan. 

Ayun so naisip ko na talaga ang route ko, nung gabi pa lang pinaplano ko na. Punta muna ako ng 7eleven, bili ng makakain tapos balik ako ng Pililia para kunin ang laundry ko. Pero nung malapit nako sa 7eleven, naisip ko mashado pa maaga para kumain, di pa ako gaanong pinagpapawisan. Kaya tumawid ako ng J.P Rizal, dun ako sa street ng mini palengke dumaan. Naisip ko na din magsurvey kung saan makakabili ng maliit na palanggana, para makapaglaba na ako ng maayos. Lakad pa ako hanggang INC then lumabas ulet ako ng J.P Rizal. Mga 6.20 pa lang nun kaya baka di pa bukas yung Bubbly Babies kaya sabi ko ikutin ko na lang yung area sa may Brgy. Valenzuela.  Habang naglalakad, dami din ako nakita na mga Bedspace for Ladies at Apartment For Rent. May mga Home Service pa ng Massage at Facial. :D mga 6.40 na malapit na ako lumiko ng Pililia, sabi ko sana bukas na yung laundry kasi wala na din ako susuotin. Hehehe. 

Bukas naman na sila, kaya lang di ko dala yung claiming receipt ko. Pero buti na lang ok lang daw. 1 week na rin yun sa kanila eh. 

Then lakad na ulet ako pabalik ng apartment. Kahit brisk walking lang ginawa ko pinagpawisan din ako ng madami. Nagpahinga lang ako saglit then naligo nako. Ang sarap ng feeling….wow! :)

Sana di ako tamarin, gusto ko gawin to ng mas madalas!

 

Posted by ryz at 8:36 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.