Sponsored Links

trip na trip!

Monday, September 13, 2010
 
 
after 2 years ay nakapag-adventure kami ulit! isang memorable experience ito! backpacker mode again…:)
 
Thank you bhe at sinamahan moko makapag-unwind! Alam kong kailangan mo rin ito. Good luck on your new career! I will support you all the way..:) 
Posted by ryz at 5:30 pm | permalink | comments[1]

semana

bago mag-long weekend - kung anik-anik ang nangyari at hinarap kong mga pagsubok. nakakadepress at nakakastress talaga!

kaya talagang kahit anong mangyari sabi ko mag-unwind ako. kailangan talaga eh. 

nung weekend - di ko naisip ang mga problema at ang mga masamang balitang aking natanggap.

iniyak ko ng lahat nung huwebes ng gabi at pagkatapos nun ay kinalimutan ko na.

sabi nga nung parlorista na nagcellophane ng buhok ko, “ma’am bakit nagfofalling hair ka? stressed ka ba?”

“Oo!” sabi ko naman sa kanya. “Sobra!”

Dahil dyan nadagdagan ang gastos ko sa dahil nag-offer siya ng Morphosis treatment para sa Falling Hair at Dandruff na ang primary cause daw ay STRESS! Habang minamasahe nya ang aking ulo, bigla nyang sinabi na, “Ma’am, wag mong problemahin ang problema - hayaan mong ang PROBLEMA ang mamoblema sayo!”

Meh ganon? Pero tama naman siya, talaga naman kasing nacoconsume nako ng aking trabaho at na-aapektuhan na ang health ko. di naman tama yun diba? 

THINK POSITIVE pa rin ako. SANA maging maayos ang lahat sa lalong madaling panahon. 

Posted by ryz at 4:40 pm | permalink | comments[1]