Home » Post Item » semana
semana
Monday, September 13, 2010bago mag-long weekend - kung anik-anik ang nangyari at hinarap kong mga pagsubok. nakakadepress at nakakastress talaga!
kaya talagang kahit anong mangyari sabi ko mag-unwind ako. kailangan talaga eh.
nung weekend - di ko naisip ang mga problema at ang mga masamang balitang aking natanggap.
iniyak ko ng lahat nung huwebes ng gabi at pagkatapos nun ay kinalimutan ko na.
sabi nga nung parlorista na nagcellophane ng buhok ko, “ma’am bakit nagfofalling hair ka? stressed ka ba?”
“Oo!” sabi ko naman sa kanya. “Sobra!”
Dahil dyan nadagdagan ang gastos ko sa dahil nag-offer siya ng Morphosis treatment para sa Falling Hair at Dandruff na ang primary cause daw ay STRESS! Habang minamasahe nya ang aking ulo, bigla nyang sinabi na, “Ma’am, wag mong problemahin ang problema - hayaan mong ang PROBLEMA ang mamoblema sayo!”
Meh ganon? Pero tama naman siya, talaga naman kasing nacoconsume nako ng aking trabaho at na-aapektuhan na ang health ko. di naman tama yun diba?
THINK POSITIVE pa rin ako. SANA maging maayos ang lahat sa lalong madaling panahon.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



I hope makatulong ako ma-resolve problems mo bhe.. Take care always. Mwah!
Posted by RyE at September 18, 2010, 4:48 pm