bago lahat

Thursday, May 5, 2011

2011 na pala! tagal ko na naman napabayaan ang pagsusulat dito sa aking munting blog. :D

ano na nga bang meron?

5 buwan na ang nakakaraan ng magsimula akong muli sa panibagong mundo. ibang level ng trabaho. iba’t ibang ugali na naman ang pakikisamahan. ibang lugar. ano bang nagbago bukod dito?

madalas pa rin akong frustrated sa sarili ko - na lumalabas lang lahat sa tuwing malalango ako sa alak. yung huli, grabe nga yata ang hagulgol ko (at naghyper-ventilate na naman ako). ayoko na ng ganong feeling lalo na kinabukasan at may trabaho pa. pero nakakainis kasi, masarap naman yung feeling pag naiiyak ko sa tulong ng konting alkohol. gulo diba?!

ano pa? unti-unti ko ng naoovercome ang financial problem ko. nagkaron ako ng mga realization nung binasahan ako ng tarot card ng isa kong kasamahan. pero shempre minsan, napapagastos pa rin ng kaunti. pero di katulad noon, kaya ko ng i-manage ngayon at madali ko ng mabawi.

ano ano pa? dahil sa pressure na makapag-two-piece ako sa boracay trip namin sa June (HAHAHA). nagsimula nako mag-gym at mag-diet (kuno) nung March. pero feeling ko di na aabot ang ABS ko..flABS pa rin hanggang ngayon eh. :P

Sa ngayon - yan palang ang naiisip ko. Marami pa akong gustong sabihin pero sa next entry na lang. :)

Posted by ryz at 5:58 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.