Sponsored Links

pretty feet

Friday, May 2, 2008

super tong week na to! as in.. lahat ata ng aspect ng life ko nagkaron ng mga conflicts. pero ok na ang lahat sa ngayon. :)

kahapon pala dapat manunuod kami ni rye ng Iron Man. kaso sa sobrang ka-adikan namin sa paglalaro ng monster hunter kasama si wena (younger sister ni rye), di na kami natuloy kasi late na mashado.pero nagpunta pa rin kaming Mall. 

Nagdinner sa Red Ribbon. Tapos naghanap kami ng Spa. 

At sa wakas, natuloy na rin ang pagpapa-foot spa namin! Sa Laxarre Nail & Day Spa - okay naman yung ambience pati yung service nila. Very accomodating yung mga tao dun. Saka maayos din sila magpedicure. Hehehe.

 

 Pretty Feet package @ Laxarre Nail & Day Spa

 Oha! Ang saya! Nagpaka-vain kami ni rye kahapon sa spa. Nakakatuwa talaga kasi game din siya sa mga ganon. :) Bonding moments din namin to.

Posted by ryz at 9:25 am | permalink | comments[1]

tekkennnnn!

Wednesday, April 30, 2008

gusto ko talaga silang matalo sa tekken 6! babawi.. ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

magkano ba isang machine nun? bibile ako pagnanalo ako sa lotto! kaso di naman pala ako nakakataya palagi. :P

Posted by ryz at 3:31 pm | permalink | View this entry

sorry po

Tuesday, April 29, 2008

kaya ayoko ng relationships eh, kasi in the end, nagkakasakitan lang kayo. -anne curtis (when love begins, 2008)

ouch! di naman maiiwasan yan sa isang relationship eh - yung masaktan o makasakit. kasi kahit ano pang sabihin mong you have something in common nung time na nagkakagustuhan pa lang kayo. pag nagstart na makilala nyo na yung isa’t isa, then you will realize - you are two very different people. 

then comes acceptance and trust at yung sinasabing intimacy. pag nakilala nyo ng mabuti ang isa’t isa, gaano man kabilis o katagal yun. masasaktan at masasaktan ka pa rin from time to time, kasi that only means na nararamdaman mo pa yung prescene niya sa buhay mo. 

di maiiwasan ang mga misunderstandings, moodswings - kaya di ako naniniwala dun sa mga nagbebreak or cool-off because of those simple things. 

pagnagcommit kasi ako sa isang tao, i make myself vulnerable to all kinds of emotions. ibig sabihin, ready akong masaktan. saka choice mo naman kung gusto mong maging masaya or hindi eh. 

kaya di ako favor dun sa line ni anne curtis sa "when love begins," kasi napaka-selfish ng ganong thinking.

sorry bhe, kung mainit yung ulo ko kanina. alam kong misunderstading lang yun. nagkasabay-sabay kasi eh. medyo lost pa ako dahil sa inet. pero sorry talaga. hay.  

Posted by ryz at 4:41 pm | permalink | View this entry

global warming, rice shortage, global poverty

Monday, April 28, 2008

 ang daming problema dito sa earth. hay. pano ba tayo makakatulong? pano ba ako makakatulong?

  photo from greenpeace

di man ako maging sobrang active sa greenpeace as a volunteer. kasi mashado na rin akong madaming activities eh lalo na socially. i’ll make sure na maging active cyberactivist ako!

 photo from greenpeace

nag-sign-up ako sa greenpeace, more than a year ago. minsan di ko napapansin yung mga newsletters na narereceive ko sa email. pero dapat pala, basahin at ikalat ko yun. para mainform din yung iba - di lang ako. akala ko kasi once na nagmember ka sa online community yun na yun. pero there is something more to it pala.

  photo from greenpeace

alam ko kahit papano, makakatulong ako sa pamamagitan ng blog na to. sana din magtulungan tayo to save our mother earth. 

  photo from greenpeace

 

Posted by ryz at 11:35 am | permalink | View this entry

ka-ARTehan

Thursday, April 24, 2008

akalain mo yun, kaya ko pala magphotoshop. dati super takot talaga ako i-explore to kasi parang ang hirap eh. baka di ko kaya. sabi nila madami naman daw online tutorials. eh pano kung di ko masundan? hahaha.

wala lang. nainspire ako. kaya ni-try ko. why not diba? 

eto yung mga tinatry ko gawin parang pop-art.

 

   

Posted by ryz at 4:18 pm | permalink | comments[2]

dito ka na lang

Wednesday, April 23, 2008

mamimiss ko yung pagkain natin ng breakfast sa 7eleven/ministop/chowking.

mamimiss ko yung biglaang lunch-out natin.

mamimiss ko yung pagsundo mo sakin sa office kahit magkapit-building lang tayo.

mamimiss ko yung paglalakad natin sa kahabaan ng makati ave papuntang park square.

mamimiss ko yung pagtambay natin sa burger king para magamit yung wifi nila. 

mamimiss ko yung pagkain natin sa yoshinoya.

mamimiss ko yung paglalaro natin ng tekken 6 sa timezone.

mamimiss ko yung paghatid mo sakin hanggang bahay nila tita.

 

 

sobrang mamimiss kita.


 

sana dito ka na lang sa makati. sana magkapit-building pa rin tayo. 

 

Posted by ryz at 9:26 am | permalink | comments[1]

modelo

Tuesday, April 22, 2008

isa to sa mga frustrations ko - pagmomodelo. minsan pag idle ako sa office, naghahanap ako ng mga workshops na pedeng kong salihan, baka kasi dun pede ko simulan ang dream ko. kaya lang, ang mahal nung mga workshops eh. tapos di rin swak sa schedule ko. shempre priority ko pa rin ang trabaho ko. pero hobby at passion ko ang magpose sa harap ng camera.

  

(kuha ni darcke)

sabi nga ni pola (yung kasama namin na freelance model sa photoshoot namin last Saturday), mas ok daw yung walang agency. kumbaga, itreat mo na hobby yung modeling. kasi di naman talaga to paghabambuhay na career. mas maganda kung nag-eexcel ka din daw ibang bagay. ang galing. talagang pinasok ko sa isip ko yung thought na yun.

("PLAY" pinoypsp 3rd generation tshirt design)

nagpapasalamat talaga ako at naging part ako ng community ng pinoypsp. kasi dito naeexpress ko ang sarili ko. nabibigyan din ako ng chance na magmodel. hehe. pero seryoso, malaking tulong sakin to kasi nagkakaron ulit ako ng confidence sa sarili ko. ayiiii!

 

  

Posted by ryz at 12:44 pm | permalink | comments[4]

sundin mo kung ano ang nilalaman ng puso mo

Friday, April 11, 2008

desido na talaga ako. 

hindi na katulad dati na umaasa ako sa desisyon ng iba. ngayon ako na ang gumagawa ng sarili kong move.hay. antay-antay na lang ako. pag nakaron ng magandang chance, magpapaalam nako sa mga bossing. gusto ko na talaga ng pagbabago mga ginagawa ko. 

masarap pumetiks pero sa huli, ikaw din ang talo. wala kang natutunan. diba? 

ayoko pa naman ng ganon, kasi achiever talaga ako kahit dati pa. saka madami din umaasa sakin. saka gusto kong patunayan sa kanila na - may mararating ako. kaya ayokong petiks-petiks lang. gusto ko may natutunan. may nangyayari sa career ko.

Posted by ryz at 12:59 pm | permalink | View this entry

lilipad na

Tuesday, April 8, 2008

kinakabahan ako. sana magtuloy-tuloy na tong carreer move ko na to.

di na kasi biro to. di pedeng basta na lang ako pumili. may mga alternatives daw. pero kailangan kong pag isipan mabuti. at kailangan kong maging firm sa desisyon ko.

ayoko naman sumama ang loob ng mga tao sakin. kaya kailang isipin ko tong mabuti. pero isa lang ang talagang desidido nako, ayoko na sa ginagawa ko ngayon.

Posted by ryz at 11:14 am | permalink | View this entry

trabaho, lovelife at iba pa

Wednesday, April 2, 2008

sumasakit na naman ulo ko kakaisip.

isa-isahin natin ha.

una, trabaho - kung sa trabaho lang pag uusapan, ok naman ako sa trabaho ko at sa working environment ko dito. kaya lang pagdating sa pag-angat ng career at finacial - parang di ako masaya. may mga goals ako nun na di ko pa naabot sa ngayon. parang may kulang kasi sa ginagawa ko. minsan naman feeling ko comfortzone ko na to kaya natatakot ako kung aalis ako. pero parang kulang talaga eh. parang wala ako akong na-aacomplish - halos 2 taon nako nagtatrabaho.

may mga oppurtinity na nakaabang kaya lang kailangan ko munang pag-isipan kung anong pipiliin ko.  ang hirap.

pero ayokong ma-stuck sa isang skill lang. gusto ko pang matuto. tapos finacially naman, di ako makaipon-ipon. bayad utang pa rin hanggang ngayon. pero unti-unti ko ng namamanage yung pera ko, di katulad dati - 2 araw pa lang pagkatapos ng sweldo, wala na.

di naman kasi to biro. may mga plano ako sa buhay noh.

(more…)

Posted by ryz at 4:31 pm | permalink | View this entry

sayaw, saya!

Tuesday, March 25, 2008

nung holy week, movie marathon ang ginawa ko. di naman kasi makaalis sa bahay. wala din pupuntahan. saka tipid mode. isa sa mga pinanood ko yung step up 2, la lang. trip ko yung mga ganong movie na may mga sayawan, showdown, hiphop - namiss ko tuloy sumayaw.

nung elementary days and high school days ko kasi active ako sa mga ganong activities eh. kahit na anong klaseng sayaw ata natry ko na nun. ballroom, folk dance, ballet, hiphop, di ko lang kaya mag breakdance. kaya pag nakakapanood ako ng mga ganong movies like yung step 1 and 2, stomp the yard, you got serve, saka honey - waaah.. namimiss ko talaga sumayaw! kaya lang parang di ganon kaflexible yung katawan ko. parang off-beat na rin yung galaw ko. gusto ko talagang makapagpractice ulet. 

Posted by ryz at 4:33 pm | permalink | comments[1]

sana talaga matapos na

minsan talaga parang gusto ko na sumuko sa ginagawa ko. parang kasing minsan talagang pinupush ko na yung sarili ko pero kulang pa rin. although, gusto ko naman yung ginagawa ko ngayon kasi talagang may natutunan ako. hindi puro theories lang, talagang actual yung naeexperience ko. 

pero minsan kasi, parang feeling ko sakin lahat nakafocus eh. hindi ko lam kung anong naging kulang sa mga ginawa ko or baka kasi may hindi ako nagawa nung una pa lang. nung simula pa lang. hindi ko naman kasi alam na, mapapasubo talaga ako sa ganito. ang hirap. pero gusto ko din may patunayan sa kanila. lagpas isang taon na kami dito, pero wala pa rin gaanong benta.

(more…)

Posted by ryz at 12:05 pm | permalink | View this entry

ilocos at baguio

Monday, March 24, 2008

Na-excite ako nung tinext sakin ni Tina na baka sa Ilocos daw ang outing ng group namin. Kaya nga nung nakaraang bakasyon, nagbasa-basa nako ng mga travel tips, sana puntahan din namin yung mga tourist spots na nabasa ko. Ang galing! Sayang nga lang kasi company outing to, di pede magsama ng boyfriend or family member. Kung pede lang, isasama ko si Rye o kaya Tatay ko. =)  Pagudpud, todo na to!

Nabanggit din ng tatay ko na baka daw magpunta kaming Baguio, sana matuloy din yun. kahit 2 days lang. 

Sana matuloy yung mga lakad ko this year, kahit dito-dito muna sa malapit, ok na ko. Tapos next time naman yung big adventure, ipon muna.

Posted by ryz at 11:34 am | permalink | View this entry

panaginip lang pala

Tuesday, March 18, 2008

Kagabi, siguro sa sobrang pagod from the Tagaytay trip nung weekend at dahil sa eto na naman ang mga panahon na madali akong mairita. Nasungitan ko na naman ata ng di sinasadya si Rye. Ewan ko ba kasi bigla talaga akong nairita eh, ang kulit kasi ng pinsan ko. Ang init pa. Antok na antok pa ako. 

Naramdaman ko tuloy nung paalis na siya mukhang masama yung loob nya at nakasimangot. Kilala ko na yung baby ko pag ganon ang hitsura nya, ibig sabihin may problema - ayaw nya lang sabihin. Pero sa totoo lang, damang-dama ko yun. Lalo na kasi alam kong ako ang may kasalanan. Sobrang nag-guilty tuloy ako. Ano naman ba ang nagawa ko? Bakit ko ba kasi siya nasungitan? Pero dedma lang nung pag-alis nya kahit nag kiss siya sakin bago sumakay ng tricycle.

(more…)

Posted by ryz at 9:55 am | permalink | View this entry

Summer

Monday, March 17, 2008

tagalog nga eh! ano ba sa tagalog ang summer? 

Eto, Summer na naman. Panahon ng mga outing at mga gimik kung saan-saang lupalop ng mundo. Ako eto, nangangarap makarating sa mga lugar na gusto kong mapuntahan kasama ang taong mahal ko.

Pangarap ko na talaga yun dati pa, yung makapag-travel at gusto ko kasama yung taong espesyal sa akin. Gusto kong sabay namin marating ang mga magagandang lugar dito sa Pilipinas. Ma-experience ang iba’t ibang culture sa iba’t ibang bansa. Pero ang problema sa ngayon, wala pa akong sapat na pera para gawin ang mga yan. Sabi nga sakin ni Ryan at ng Tatay ko - Di ko naman kelangan makipag-sabayan sa mga kaibigan o sa mga kasamahan ko dito.

(more…)

Posted by ryz at 5:12 pm | permalink | View this entry

bakit ka gumawa ng bagong blog?

Ewan. Hahaha! Gusto ko naman i-express yung sarili ko sa mas comfortable na paraan. Kasi narealize ko hirap na hirap pa rin ako makapagcompose ng matinong blog in ENGLISH. Kahit na anong try ko, isang taon na rin ata yung isang blog ko. Parang wala pa ring improvement. Madami pa rin na grammatical errors at ang panget pa rin ng sentence construction ko. 

Kaya minsan tinatamad din akong mag-update eh, kasi naiisip ko agad. Englishan na nman to. Nakakadismaya at nakakalungkot talaga. Lalo na pag may mga nababasa akong matitinong blog. Bakit ganon? Pag binabasa ko yung sa kanila, tapos pag pinag-comparte ko yung sa akin - ang layo… sobra!

(more…)

Posted by ryz at 4:11 pm | permalink | comments[1]